Jiro Point of View
Pagkatalikod ni Aya ay wala na akong nagawa kaya naman naglakad narin ako kasabay ang kaibigan nyang si Jarren. Pagkadating namin sa covered court ay marami narin ang tao at ilang silya nalang ang andun.
"Dun tayo."sabi ni Jarren na itinuro ang may mga mangilan ngilan pang bakanteng upuan sa harapan. "Tara."anya na nagpaunang maglakad. Sumunod naman ako sa kanya. Naupo kami dun at nagkuha ng isang upuan sa pagitan namin para kay Aya.
"Kyaahh andito si Jiro!"
"Asan asan?"
"Waaahh ang gwapo nya."
"Kahit sya nalang panuorin ko nito!'
Sabi ng mga estudyanteng babae sa likod at harapan namin. Sa tingin ko ay mga grade 9 sila. Nginitian ko lang sila saka dumiretso na ng tingin sa stage. Kitang kita ko ang stage kasi malapit lang naman kami dun. Nasa ikatlong hilera lang kami ng bangko simula sa unahan. At syempre kitang kita rin kami kasi maliit ang nasa unahan namin.
Nagsimula na ang program at syempre sinimulan sa pambansang awit ng pilipinas na sinundan ng panalangin. Pagkatapos nun ay sinundan ng ilang taong nagspeech at iba pang pampasiglang bilang mula sa ibat ibang grade level.
Umiingay na ang tao dahil ang karamihan ay naiinip na sa paghihintay sa highlight ng programa, iyon nga ay ang kumpitisyon ng wings. Lalo pang umingay ang karamihan kaya naman napalingon kami kung saan ang ibang estudyante ay nakatayo at may tinitingnan mula sa dulong bahagi. Nakita namin doon ang ilang modelong may suot ng pakpak at ang bagong dating na si Natalie.
Bago na ang sinuot nya at sa wari ko ay iyon ang costume na ginawa nila. Ang damit nya ay dinigkitan ng pinagpipirasong pakpak lawin na nilagyan nila ng spray na gold na talaga namang tumutugma sa suot suot nyang pakpak. Ganun rin naman ang kanyang pang ibaba.
Kapansin pansin din ang nakasuot sa kanyang ulo. Para iyong trono na nilagyan pa nila ng modernong desinyong kulay ginto. Ang tigkabilang dulo ay may tilos na nagmumukhang sungay at sa pagkaka alam ko ay ang uri ng ginagaya nya ay mula sa egypt.
Pumunta si Natalie sa gawing likod na kung saan nandun narin ang ibang modelo ng kanilang section.
|____STAGE_____|
chairs. chairs.
_ _ _ _ _ _ _ _ _ / | \ _ _ _ _ _ _ _ _
_ _ _ _ _ _ _ _ _ / \ _ _ _ _ _ _ _ _ _
_ _ _ _ _ _ _ / | \ _ _ _ _ _ _ _ _ _
_ _ _ _ _ _ _ _ / \ _ _ _ _ _ _ _ _
_ _ _ _ _ _ _ / | \ _ _ _ _ _ _ _ _...............POSITION OF MODELS.............
___(-_-)____ ______
Class A. Class B.__(^_^)____(^_^)_____(^_^)_____(^_^)__
Class C. Class D. Class E. Class F.Nasa pangatlong hanay kami ng bangko habang nakatingin sa mga model na may suot ng kani kanilang pakpak. Halos ang lahat ay nakangiti sa kanila maliban kay Natalie na nakafears ang mukha.
"Ilang minuto na lamang po ay magsisimula na ang ating kumpitesyon ng Wings ng grade 10. Kaya maging handa ang lahat at ang ating representative." announce ni Miss Lorie.
"Bakit wala pa yung representative nyo?"tanong ni Jarren na sa mga yun din nakatingin kaya naman natigil ang pag iintindi ko sa isip ko ng uri ng pakpak nila. Sumulyap ako kung saan dapat nakatayo ang modelo namin at wala pa nga sya dun.
BINABASA MO ANG
That Girl Is Mine (COMPLETED)
RomanceKwento ng babaeng papasok sa isang eskwelahan na merong mga lalaking kilala, tinitilian, kinababaliwan na kung saan ang taong mga yun ay magkakaroon ng kaugnayan sa kanya. Gaganda nga ba ang pag aaral nya at magiging kilala rin? O makikilala lang s...