Aya Point of View
Pagkarating namin ni Nash sa bahay ay nagmadali narin syang umalis at ako naman ay halos tulalang naglakad papasok sa bahay.
Bubuksan ko sana ang pinto pero nakita kong bukas iyon. Nanlaki ang mata ko at kinabahan pero nawala rin yun nung maalala kong nagtext nga pala sakin si Papa na umuwi sya.
Bakit nga pala sya umuwi?
Naglakad na ako papasok at nakita kong nakaupo si Papa sa kusina. Lumapit ako sa kanya at nakita kong seryoso ang mukha nya kaya kinabahan ako. Nagmano ako sa kanya at tumayo lang sa harap nya.
"B-bakit po kayo napauwi, Papa?"kinakabahan kong tanong sa kanya.
"Maupo ka."seryosong anya at sumunod naman ako saka umupo sa tapat nya. "Ano ito?"anya na ipinatong sa isang table ang brown envelop. Ano yun? "Ipaliwanag mo sakin kung anong ibig sabihin ng lahat ng yan."seryosong dagdag pa nya.
Dahan dahan ko namang dinampot ang brown envelop na yun saka kinakabahang tiningnan kung ano ba ang nasa loob at nagkakaganun nalang bigla si Papa.
d⊙_⊙b
Nanlaki ang mata ko nung mabasa ang nakalagay sa pinakang title nun. Contract. Napasulyap ako kay Papa pero hindi sya nagsalita. Ibinalik ko ang paningin ko sa isang pirasong papel na yun at saka ko binasa.
d⊙_⊙b
Oh my ghadd! Ito yung kontrata namin ni Jiro sa kasunduan naming magpapanggap. Iniwan ko ito sa bahay nun at ipinatong lang sa study table ko.
"Hindi ka pa ba sasabay saking umuwi. Aalis na ako?"sabi ni Jiro. "May party bukas at gusto ni Drake na umagap ako."
"Hindi nga ako uuwi. Dito na ako matutulog. Saka nalimutan kong sabihin...
"Tayo na nga pala, kasi nagawa mona yung utos ko."
"Sandali lang ah."excited syang lumabas at may kinuha sa
"Ayan. Yan yung kontrata natin."abot nya ng isang brown envelop na may lamang papel na naglalaman ng aming kasunduan.
"Ayaw ko ng may kontrata pa."sabi ko na ipinatong lang iyon sa ibabaw ng study table ko. Tumayo ako sa kama saka naglakad papalabas ng kwarto at sumunod naman sya sakin.
***
Baka naglinis si Papa at nakita nya toh. Nakuu! Paano ako magpapaliwanag sa kanya? Paano ko sasabihin na totoo na naman ang relasyon namin ni Jiro. Paano?
"Nakita ko yan, nung naisipan kong linisin ang kwarto mo? Ibig sabihin ba nyan na nagpapanggap lamang kayong dalawa?"nakakunot na kilay na tanong ni Papa. Hindi ako makapagsalita, hindi ko alam kung paano magpapaliwanag, kung saan ako magsisimula. "Hanggang ngayun? Nagpapanggap parin kayo?Totoo bang nagpanggap lang kayo ni Jiro?"dagdag pa ni Papa pero hindi parin ako makasagot at napayuko lang. "Aya! Sumagot ka."nagulat pa ako nung magsimulang tumaas ang boses ni Papa.
"P-Papa. Magpapaliwang po a-ako."utal utal na panimula ko at saka tumingin sa kanya ng diretso. Nakatitig lang din sya kaya humugot ako ng hininga saka ulit nagsalita. "Opo. Nagpanggap kami ni Jiro na magkarelasyon." Napabuga si Papa ng hangin na akala mo ay hindi makapaniwala sa sinasabi ko. "P-pero Papa. Ngayun po, t-totoo na po y-yung relasyon namin."napahampas si Papa sa mesa kaya napatungo na naman ako at doon ay unti unting namuo ang luha ko.
"Aya. Ano bang yang--Nagpanggap kayo pagkatapos naging kayo na, na totoo na yung relasyon nyo? Anong klase ba yang pinagsasasabi mo!? Naguguluhan ako."anya na napatayo pa at napahawak sa noo nya. Hindi ako makapagsalita at tuloy lang ako sa pag iyak. "Anak, pinalaki ka namin ng mama mo ng maayos. Namatay ang mama mo at ipinangako ko sa kanya na aalagaan kita, at ginawa ko nga yun pero bakit kelangan mong magsinungaling? Bakit ka pumayag na magpanggap na makipagrelasyon sa kanya? Ganun ka na ba kadispiradang magkaroon ng boyfriend, huh?"
BINABASA MO ANG
That Girl Is Mine (COMPLETED)
Roman d'amourKwento ng babaeng papasok sa isang eskwelahan na merong mga lalaking kilala, tinitilian, kinababaliwan na kung saan ang taong mga yun ay magkakaroon ng kaugnayan sa kanya. Gaganda nga ba ang pag aaral nya at magiging kilala rin? O makikilala lang s...