Chapter 46

277 37 0
                                    

Aya Point of View

"Ang sabi ko, bitawan nyo sya!"sa boses ng lalaki ay nasisiguro kong malapit na sya sa amin. Medyo naguguluhan ako dahil pamilyar ang boses nya. Naguguluhan ako kasi hindi ko naman tinawagan ang nagmamay ari ng boses na yun kaya baka posibleng nagkakamali lang ako.

"At sino ka naman sa inaakala mo?"tanong ng nakatayong lalaki sa harapan ko.

"Pakakawalan nyo sya, o papatayin ko kayo?"madiing pagbabanta ng lalaki sa likod ko.

Dahan dahan kong iniharap ang ulo at katawan ko, hinang hina man ay ginawa ko parin para masigurong sya nga ang nagmamay ari ng boses na pinaghihinalaan ko. "Aya!"bulalas ni Nash sa pangalan ko. Maraming salamat at dumating ka! Agad na bumalatay ang pag aalala sa mukha nya pero lamang ang pagpipigil ng galit. Nung masiguro kung andyan na nga sya para iligtas ako ay parang gusto ko ng matumba at mawalan ng malay dahil sa pagod pero pinipigilan parin ako ng takot at kaba na baka hindi nya makayanan ang tatlong lalaking ito.

Hindi na nag aksaya pa ng oras si Nash at mabilis na naglakad papalapit samin. Binitawan naman ako nung nasa kaliwa ko at sumugod iyon kay Nash.

Agad na bumwelo ng suntok ang lalaki pero agad na nakailag doon si Nash. Hinawakan nya ang braso nun at mabilis na pinilipit. Napahiyaw naman ang lalaking yun sa sakit. Itinaas ni Nash ang brasong iyon saka pinagsusuntok ang lalaki sa sikmura hanggang tuluyan na nga iyong matumba. Agad nyang nilingon ang dalawang lalaking kalapit ko at sinenyasan naman ng nasa kanan ko ang nasa likod ko na lumapit kay Nash.

Pagkalapit doon ay saka sila nag ambahan ng suntok, labanan ng nanlilisik na mata na nagdulot ng kahirapan ko sa paglunok habang pinagmamasdan ko sila. Mabilis na sumuntok ang lalaki pero bago pa iyon dumapo sa mukha ni Nash ay nailagan na naman nya iyon na akala mo ay sa ulo na nya ang ikikilos nito. Pagkailag ni Nash ay kasabay nang paglapit nya sa lalaki at mabilis na pinatid ang paa nito na syang dahilan para matumba at sinabayan naman ni Nash ng mabilis na pagpunta sa likod nun at saka pinilipit ang kanang kamay gaya ng ginawa nya sa una. Napahiyaw ang lalaki sa sakit habang nagkakakawag sa lupa na akala mo ay nagmamakaawang bitawan na sya kasi sumusuko na.

Hindi pa man nakakatayo si Nash ay binitawan na agad ako ng natirang lalaki at mabilis na lumapit sa kanya. Habang naglalakad palapit ay naglabas ito ng patalim. Nanlaki ang mata ko at agad na kumabog ang didib sa sobrang kaba. Kinakabahan ako na baka masaksak si Nash, masaksak ng dahil sakin.

Umaktong sasaksakin na ng lalaki si Nash pero gaya ng ginawa ni Nash na pag ilag sa nauna ay mabilis nyang hinawakan ang brasong may hawak na patalim at mabilis iyong pinilipit para mabitawan nya ang hawak. Inihawak ni Nash ang kaliwa nyang kamay sa braso ng lalaki saka nya pinagsasapak ng kanang kamay ang mukha ng lalaki na akala mo ay sanay na sanay na sya kahit kitang kita kung gaano kadiin ang pagkakasuntok nya. Parang wala syang sakit na nararamdaman sa bawat paglapat ng kamao nya sa matigas na mukha ng lalaki. Dalawang suntok palang ay tumalsik na ang dugo mula sa ilong nito kaya naman tumigil na sya sa pagsapak pero inilapit nya ang lalaki sa kanya at tinuhod iyon sa sikmura. Napakuba naman ang lalaki sa sakit ng ginawa nito saka dahan dahang natumba.

Pinulot ni Nash ang patalim saka ako nilingon. Mabilis na lumapit at hinawakan ang magkabila kong balikat. Tiningnan nya ako sa mata pero parang natulala ako, niyogyog pa nya ang katawan ko para lang bumalik ako sa katinuan. Namuo ang luha ko nung makitang sya na nga ang nasa harap ko.

"Aya. Ayos ka lang ba? Wala ba silang ginawa sayo?"tanong nya sakin at doon na ako muling nagsimulang lumuha. Hinawakan nya ang pisngi ko at pinapahid ang luhang lumalabas mula sa mata ko. "Wag kang matakot, okay ka na. Hindi ka na nila masasaktan."anya na agad akong niyakap. Nagpagaan naman iyon ng pakiramdam ko,pakiramdam ko ay nagising na ako sa bangungot ng madilim kung pagtulog. Inaalo nya lang ako at unti unti na ngang tumitigil ako sa pag iyak.

That Girl Is Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon