Chapter 14

346 38 0
                                    


Jiro's Point of View


"Ayiieehh ang sweet mo naman, tenkyu!"anya na ngiting ngiti pa. "Mukhang pang one year ko na ito eh, hahahahha!"tawa nya pa ng malakas.

Umupo ako sa tabi nya. "Alam mo bang nakakatakot ang tao dito, grabe!"animoy kinikilabutan kong pagkukwento sa kanya.

"Bakit ba, may ginawa ba silang masama sayo?"anya na humarap na sa akin matapos ilagay sa ibabaw ng table nya yung binili ko.

"Ang landi nung tindira dun eh."turo ko pa ng nguso ko dun sa direksyon ng tindahan. "Tapos nung nalaman na may girlfriend na ako biglang uminit ang ulo."nakangusong paliwanag ko sa kanya.

"Ang gwapo mo daw kasi."anya na nakangiwi saka umiwas ng tingin sakin.

Napalunok ako sa sinabi nya. Biglang kumabog ang dibdib ko nang hindi normal. Marami ng babae ang nagsasabi sa akin ng salitang yun at matagal na akong hindi naaapektuhan at hinahayaan nalang yun pero bakit nung sya na, parang nakaramdam ako ng tuwa. "Talaga?"pangungumpirma ko sa kanya.

Napansin nya naman na naging seryoso ang pagtatanong ko kaya parang nahiya sya. "O-oo nga."nautal pang ulit nito.

"Ibig mong sabihin."panimula ko saka lumapit sa kanya. "Nagagwapuhan ka sakin?"seryoso kong tanong na nakita kong nagpalunok sa kanya. Bumungisngis ako para hindi nya masyadong seryosohin yun at yun na nga, sininghalan nya lang ako. "Huli ka na eh. umamin ka na?"sabi ko dito.

"Oo na!"animo'y napipilitang singhal nya. "Gwapo ka na, masaya ka na ba, huh? Kaligayahan mo na ba yun?"anya saka umiwas sakin ng tingin. "Halimaw naman, tsk!"singhal nya sa gilid nya.

"Ibig mong sabihin crush mo rin ako?"pandidiretso ko sa kanya na hindi ko akalaing ikagugulat nya. Nanlaki ang mata nyang tumingin sakin.

"Hoy! aboso ka na ah."asik nya.
"Anong crush ang sinasabi mo dyan, hindi ah!"tanggi nya pero nakita ko ang pagngiti nya nung umiwas kaya nasisigurado kong nagpipigil sya ng kilig.

"Tsk. halatang halata na eh,tatanggi pa."sabi ko na inilapit ang mukha ko sa kanya. "Nagbablush ka kaya oh."turo ko pa sa pisngi nya.

"A-anong nagbablush ang sinasabi mo dya--!"naputol ang sasabihin nya nung paglingon nya ay konteng lapit nalang ay magdidikit na ang mga mukha namin. Nagsimula na namang kumabog ng mabilis ang puso ko. Hindi ko alam pero unti unting naglalaho ang aking nasa paligid kasabay ng pagbagal ng oras habang magkasalubong kami ni Aya ng tingin.

Nawala lang yun nung sya mismo ang kumalas sa tinginan naming dalawa. "H-Hindi kaya."nakangusong anya sa gilid nya na hindi pa makaharap sakin.  Hindi ako makapagsalita at parang hindi pa pumapasok sa utak ko ang mabilis na pangyayaring yun kanina na halos magkadikit na kaming dalawa. "T-talaga bang namumula ako?"nahihiya pang tanong nya paglingon sakin.

'Tsk. Sinasabi ko na nga ba eh! Namumula sya dahil kinikilig sya sakin. Tsk!'

"Oo. Kitang kita ko Aya."pagtuturo ko pa sa pisngi nya. "Ayan oh tingnan mo namumu---"hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng biglang nag ring yung phone ko.

Tumayo ako at sinagot iyon. "Hello?"panimula kong tanong sa kabilang linya.

"Jiro!"malakas na tawag nya sa pangalan ko sa kabilang linya. "Ako 'to. Ang pinakamamahal mong kaibigan." ngayun nasisiguro kong si Drake itong kausap ko.

"Oh.Advance Happy Birthday Bro."nakangiting pagbati ko saka sumulyap ng tingin kay Aya pero kumunot lang ang noo nya. "Bakit ka nga pala napatawag?"tanong ko sa kanya sa kabilang linya.

That Girl Is Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon