Chapter 21: Birthday Party 3

274 34 0
                                    

Jiro's Point of View


Nakaupo kaming dalawa ni Drake sa tabi ng stage. Tahimik lang kami doon at nakikinig sa kumakanta. Hanggang ngayun ay wala pa si Aya.

'Baka hindi na sya dito pupunta. Baka wala syang isusuot na damit. Saka hindi yun basta basta pupunta dito ng walang kasama.'

Nahinto ako sa isiping yun nang kuhitin ako ni Drake. "Bro. Tara sa stage."nagulat pa ako sa sinabi nyang yun.

'Anong ibig nitong sabihin? Gusto nya bang kumanta? Kung ganun nga, bakit kasama pa ako?'

"Mag aano naman tayo dun?"kinakabahan pang tanong ko sa kanya at bahagya naman syang natawa sa inasta ko.

"Don't worry bro. Hindi tayo dun kakanta. Mag papasalamat lang ako sa mga dumating sa Party ko."

"Eh bakit kailangang kasama pa ako?"

"Syempre ipapakilala ko rin kayo sa mga bisita ko dito na hindi nyo kilala."anya saka tumingin sa paligid. "Asan na ba yang si Nash. Ang sabi mag C-C.R lang sya."

Umakyat na sya ng stage at wala naman akong nagawa kundi sumunod nalang. Binigyan sya ng mic at ganun din ako.

'Bakit meron din ako? Hindi naman ako magsasalita dito eh'

"Good evening guys!!!"tawag pansin ni Drake sa lahat. "Unang una sa lahat maraming salamat sa pagpunta nyo sa Birthday Party ko. I am so glad na halos nandito kayong lahat. Sa mga naging kaibigan ko sa Sioson High, Thank you at nakapunta kayo dito."

"At syempre makakalimutan ba naman ako ng mga tropa ko--"bumaling sya sakin ng tingin at nginitian ko na lamang sya. "Si Jiro, isa sa best friend ko sa Sioson High. Ang taong kasama ko sa mga kalukuhan sa School. Meron pang isa pero ang sabi nya ay pupunta lang sya sa C.R."inilinga ni Drake ang paningin nya sa lahat.

"Ayun sya!"turo nya sa dulong likod. Napatingin rin ako doon at nakita kong kumakaway pa ang loko.

'Tsk. Pabida na naman'

"Si Nash at Jiro. Sila po talaga ang naging best friend ko dito sa Pinas. Nagkahiwalay lang kami kasi sa State na ako pinag aral ni Dad." tinutukan si Nash ng spotlight. At habang nagsasalita si Drake ay kung kanino sya nakikipag usap. Sumulyap ako dun.

d⊙_⊙b

'T-teka. Si Aya ba yun? Ibig sabihin pumunta parin sya. At sino naman ang kasama nya, si Nash.tsk!'

Hindi ko alam kong bakit ganun ang pakiramdam ko. Naiinis ako pagnakikita ko silang dalawa na magkasama.

'Siguro dahil lang sa galit ko kay Nash. Ayaw kong lumalapit sya sa malapit sakin kasi sa loob loob ko, baka kunin na naman nya yun sakin.'

Nakatingin lang ako sa kanila at pansin ko sa mukha ni Aya ang pagkawalang interes makipag usap kay Nash. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng konteng tuwa dahil sa inaasta nya sa pakikitungo sa kanya ni Nash.

'Hindi ko inaasahan ang pagdating mo Aya. Hindi ko rin inaasahan na ganyan sya kaganda ngayung gabi.'

Hindi matanggal ang tingin ko kay Aya. Napapangiti ako sa tuwing nakikita ko ang mukha nya. Ang ganda ng suot nyang itim na dress na nagpaganda pa lalo dahil sa pagiging simple nito. Bumagay din yun dahil sa maikli nyang buhok. Nagpalakas pa ng dating nya ang nakasabit na shoulder bag sa kanyang balikat.

Babaeng babae sya sa paningin ko ngayun. Hindi ko inaasahan na magsusuot sya ng ganung uri ng damit lalo na at alam kong hindi sya dun komportable pero ang nakikita ko sa itsura nya ay wala kang makikitang pagkahiya.

That Girl Is Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon