Abangan..

438 33 3
                                    

Prologue~

*******
Tristan's POV

"Tito, what are you talking about?"tanong ko sa kanya dahil hindi ko maintindihan ang pinagsasasabi nya.

"Nasa office tayo,call me Sir! narinig mo ang sinabi ko. Mag aaral ka."

"But--hindi ko na kailangan yun! You know naman diba? I can handle our business. Since high school ito na ang gusto ko--"

"Alam kong kaya mo ang trabaho kahit hindi ka na mag aral. Pero Tristan--"nagsalubong ang mga kilay ko nung may pero pa sya sa dulo.

Ayaw ko ng pumasok sa school, bakit ba kailangan pa!?

"Gusto ko rin naman na malaman mo ang buhay estudyante."

"But I already experienced--"

"Buhay high school student,"anya sa mabagal na pagsasalita. "Hindi elementary. Yung may ipapakilala ka na saking babae. Na girlfriend mo, that's final."pagtatapos nya sa usapan.

'Shit! Anong pinagsasasabi nya?'

***
I am Tristan Park, nagtataka siguro kayo kung bakit Park ang apelyido ko..dahil yun sa Tito ko. Isa akong workaholic, businessman, palaging stress at namomoroblema kung paano palalaguin ang kompanya.

Bata palang ay marunong na akong maghandle ng business. valedictorian ng elementary pero hindi na nagpatuloy dahil sa isang aksidente sa buhay ko. Aksidente na nagbigay ng napakaraming pagbabago, nagfocus nalang ako sa trabaho at di na nag aral.

At dahil dun, nawalan naku ng time sa sarili ko..mas minahal ko na ang trabaho ko, pero hindi ko inaasahan na kailangan ko pang bumalik sa high school para lang makihalubilo sa iba, at maghanap ng babae, ng girlfriend na ang dahilan rin ay walang iba, kundi ang mahal kong Tito!

Nakakainis!

"Best friend!"nagulat ako at agad na napaatras saka hinarap ang tumawag sakin na talaga namang umakbay pa. Agad kong pinagpagan sa bandang balikat na inakbayan nya ang suot kong damit. "Best friend kamusta na!?"masayang pagbati nitong babaeng kaharap ko.

"Who the hell are you?"pagsusungit ko dito na hindi ko naman kilala.

"Wow..may paenglish ka na ngayun ah..antaray na ng suot mo. Mukha ka ng may ari ng kompanya ngayun at saka--"anya saka sinuri ang kabuuan ko. "Hindi ka na mukhang sira ulo."anya ng nakangiti pa.

"Baliw."tanging sagot ko saka sasakay na sana sa kotse pero agad nya akong iniharap sa kanya. "Ano ba!"inis na sigaw ko dito. "Let me go!"

"Abah, may paenglish english ka na talaga..namiss kitang kupal ka!"anya saka mabilis na pinisil ang pisngi ko. Agad ko namang pinalis ang kamay nya.

"Fu--"gusto ko sana syang murahin pero andaming tao ang dumadaan, posibleng masira ang image ko. Lumapit ako sa kanya at bumulong. "Get out to my face, Crazy!"sabi ko saka sya tinalikuran at agad na sumakay ng kotse.

"Hoy--anong sabi mo, hoy Mr. Santiago, hindi pa tayo tapos!"nanlaki ang mata ko nung marinig kong muli ang apelyidong yun. "Sira ulo ka, wag ka ng lalapit sakin. Ang yabang mona!"anya saka malakas na kinatok ang kotse ko.

'Isa pa nga pala sa kinaiinisan ko, ang pagkakaroon ko ng kakambal. Palagi nalang akong napapahamak sa tuwing gumagawa ang kakambal ko ng kalokohan.

Minsan ako ang napapagbintangan na nakasiping daw nila nung gabi, naka one night stand, shit! Di ko yun maimagined na magagawa ko, mas gugustuhin ko pang magtrabaho sa kompanya kesa maglibang sa bar at makipagsex sa babae.

At ngayun naman, may baliw na paniguradong napagkamalan ako. I hate my life!'

*******
Christian's POV

Kasalukuyan akong naglalakad at naghahanap ng taxi, balak ko sanang pumunta sa bar para magliwaliw pero wala pa akong nakikitang sasakyan ay may dalawang babae na akong natanaw mula sa malayo.

"Swerte!"bulong ko.

Ang isa ay mukhang nagmamadali sa paglalakad, mukhang excited sa pupuntahan. Samantalang ang isa ay normal lamang ang paghakbang habang ang mga mata ay mayat maya ang sulyap sa mga bahay.

Napapag iwanan na ang isang babae dahil halos lakad takbo na ang kanyang kasama. Nakita ko ang katawan ng nauuna at talaga namang may kurba ang katawan. Lalapit sana ako sa kanya pero nung nasinagan palang ako ng ilaw ng poste ay agad na syang nagreact at itinuro ako.

"Ikaw!"anya. Dun ko lang napag alaman na ang babaeng lalapitan ko ay mukhang may kinasangkutan akong kalokohan. "Walang hiya ka!"nakita kong nagpunta sya sa gilid ng kalsada at kumuha ng kahoy. Hindi ko na sya inantay na makabalik pa papalapit sakin at mabilis na lamang akong tumakbo papalayo. "Hoy, bumalik ka dito. Walang hiya kang lalaki ka!"sigaw nya at talaga namang hinabol nya pa ako.

Hi, I'm Christian Park. Pwede mo akong tawaging Ian para cool. Isa akong lalaking puro luho ang nasa utak, puro kasiyahan at babae.

Hilig kong pumunta ng bar at magpakasaya sa mga bagong chicks na nakikita ko. Merong pagkakataon na nagiging masama ang gabi dahil sa kalokohan at gulong pinapasok ko, minsan napapaaway dahil may boyfriend minsan ang babaeng inaakit ko.

At ang isang babae ngayung gabi, hindi ko alam ang kasalanan ko sa kanya. Hindi ko sya matandaan pero paniguradong may kasalanan at kalokohan akong ginawa dito.

******

"Hello my dearest twin brother, kamusta?!"pagbati ko sa kakambal ko na palaging business ang nasa utak.

"What are you doing here?"tanong nya agad nung pagbuksan nya ako ng gate. Inayos nya ang salamin sa mata at tiningnan pa kung may kasama ako.

"Oww..hindi ba sinabi ni Tito sayo, dito na ako titira sa bahay mo."nakangiti kong pang sabi sa kanya pero nanlaki ang mata nya.

"What!?"akala mo ay gulat pang anya. "Hindi pwede, magdadala ka lang ng babae sa bahay ko!"pagtutol nitong si Tristan pero nginisian ko lang sya.

"Oh come on, my twin brother."lumapit ako sa kanya saka bahagyang bumulong. "Yun ang goal,"nginitian ko sya. "Magdala daw ako ng babae dito para sayo."agad na nagreact ang kakambal ko ng may nanlalaking mata habang ako ay natatawa.

"Subukan mo, I will kill you, Christian!"pagbabanta nito sakin.

"Yun ang command ni Tito, sorry!"

"The heck!"anya saka pumasok sa loob ng bahay nya ng padabog. Sumunod naman ako. "Ano bang kabaliwan ang pumasok sa utak ni Tito at ginagawa nya toh sakin?"halatang stress na tanong nya sa kawalan habang ako ay natatawang pinagmamasdan syang nagdadial sa phone nya at mukhang sisitahin nya si Tito sa mga sinasabi ko. Hahahahah

Abangan....

Nawa ay muli ninyong basahin at suportahan ang kwentong ito na isinunod kong isinulat. Caution! I have Twin (COMPLETED) Just visit my profile and don't forget to follow me here in Wattpad. Salamat!

-silent_stitch(~_^)

That Girl Is Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon