Chapter 59:

230 36 0
                                    

Aya Point of View

Hindi ko kinaya ang mga sinabi nya sakin. Ganun nya nakayanang ilihim ang lahat para sa pabor ng babadng mahal ng kaibigan nya. Pero paanong nagalit din si Nash kay Jiro?

Pinahid ko mona ang luhang namumuo sa mata ko at ganun rin naman sya. "Pero bakit ikaw."nilingon nya naman ako. Kitang kita ko ang namumula nyang mata dahil sa pag iyak. Pasinghot singhot narin sya kasi bigla syang sinipon. "Bakit ka nagalit kay Jiro?"tanong ko.

Humugot sya ng malalim na hininga at ako naman ay inihanda ang sarili sa posibleng bagong malaman tungkol sa pagkakaibigan nila.

"Magkaibigan kami ni Jiro at Drake. Alam namin ang sikreto ng bawat isa. Alam namin kung may problema ang isa, kung malungkot, o masaya. Ipinagkasundo si Jiro kay Natalie ng pamilya nila. Pero hindi pumayag si Jiro, at isa ako sa dahilan kung bakit ayaw nya."

d⊙_⊙b

"Ano? Paanong naging ikaw?"tanong ko.

"Kasi may gusto ako kay Natalie. At alam yun ni Jiro maging si Drake."hindi ako makapaniwala sa naririnig ko ngayun. Nagkagusto si Nash kay Natalie? "Hindi sya pumayag na magpakasal kay Natalie dahil alam nyang masasaktan ako at posibleng masira ang pagkakaibigan namin kapag pumayag sya."

Parang sasabog ang utak ko sa sobrang dami kong nalaman ngayung araw na ito.

"Pero dahil sa plano namin ni Mia. Ako ang sumira sa pagkakaibigan namin ni Jiro. Pinili kong pumayag na saktan namin si Jiro dahil iyon ang hinihinging pabor ni Mia. Sinaktan namin si Jiro at kinamuhian nya kami ni Mia. Nasunod ang plano naming dalawa, nung namatay si Mia ay walang nakaalam kahit isang estudyante dito maliban sakin. Hindi tinatanong sakin ni Jiro ang tungkol kay Mia, kung bakit ito biglang nawala, dahil kinamumuhian nya ako at sinasabing traydor. Ang kumalat na balita ay umalis si Mia at nag aral sa ibang bansa. Pero ang totoo ay wala na sya."

"Nagalit din ako kay Jiro kasi ginamit nya din si Natalie. Ang taong gusto ko na palihim kong hinahangaan sa malayo. Alam ng lahat na patay na patay si Natalie kay Jiro kaya ganun nalang kabilis nyang mapasagot ito. Nagagalit ako kay Jiro kasi alam kung niligawan at pumayag lang naman si Jiro na magpakasal dahil gusto nyang gumanti at saktan ako. Hindi nya talaga mahal si Natalie."

"Hindi ba at mahal parin ni Jiro si--"

Oh my! Mali mali mali! Madudulas pa ako..hindi ko pwedeng sabihin na mahal pa ni Jiro si Natalie kaya sya nakipagkasundo sakin kasi gusto nyang ipakita kay Natalie na move on na sya pero ang totoo ay mahal nya parin yun. Pero syempre, nag iba na ang lahat! Kasi totoo na ang feelings ni Jiro sa lola nyo.

"Ibig kong sabihin ay..hindi ba talaga minahal ni Jiro si Natalie?"paglilinaw ko dahil sa kamalian ko kanina.

"Sa tingin ko, meron."anya. Mabuti hindi nya nahalata yung sasabihin ko dapat kanina. "Kasi nung malaman ni Natalie kay Hazel na kaibigan nya na ginagamit lang sya ni Jiro ay agad na nakipaghiwalay si Natalie kahit hindi alam ng pamilya nila. Gustong magpaliwanag at sinusuyo nun ni Jiro si Natalie pero panay ang pagpapabebe ni Natalie. At sinasabing hindi na nya mahal si Jiro. Dumating pa nga sa point na napapahiya si Jiro sa maraming tao dahil sa kanya."

"Kaya tumigil na si Jiro. Ipinakita nya kay Natalie na wala na syang paki alam. Na move on na sya kay Natalie. At huli na para umamin si Natalie na mahal nya pa talaga si Jiro, kasi nga dumating ka."

'So yun pala ang kwento, nung unang araw ko dito. Noon nya napagpasyahan na magpanggap na nakamove on na sya. At ako pa talaga ang nakuha. Saka naman itong si Natalie humabol. Patuloy lang naman kami sa pagpapanggap at sa hindi nga inaasahan, nahulog na kami sa isat isa at ginawa ng totoo yung relasyon namin. Grabe! Ang haba pala ng love story ni Jiro bago ako dumating.'

That Girl Is Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon