Jiro Point of View
Matapos kong tawagan ulit si Aya na susunduin ko sya sa kanila nang bigla nya akong patayan ng tawag ay hindi ko na ulit sya tinawagan pa. Ilang saglit lang nung tumawag sya pero hindi ko naman sinagot.
"Mabuti nga sa kanya, manigas ka honeybabe!"isinalo ko ang cellphone ko sa kama saka dumiretso sa banyo. Nagtotoothbrush ako nung maisip ko ang posibleng mangyari samin ngayung gabi, kaya naman hindi ko maitago ang ngiti ko. Minadali ko na ang pagsisipelyo, bawat sulok ng ngipin ko ay tinooth brush ko.
Sumunod ay naligo na ako. Matapos nun ay pabalik balik pa ako ng sulyap sa salamin saka mabilis na sumalampak agad sa kama. Ginawa kong unan ang mga palad ko habang nakatitig sa kisame at ini-imagine ang mangyayare. Magkikiss kami hihi. Hindi ko talaga maiwasang mangiti at nagmumukha akong tanga kung may nakakakita man sakin, grabe! Kinikilig yata ako.
"Jiro!"natigil ako sa pag iimagine nung may kumatok sa kwarto ko, si Yaya. Bumangon ako at pinagbuksan sya ng pinto. "Bakit gising ka pa?"tanong nya nung makapasok sa loob.
"May inaantay pa ako, Yaya. Kayo, bakit gising pa?"nakangusong tanong ko dito. "Gabi na po, baka makasama sa kalusugan nyo yan."
"Asus, kalusugan ko pa talaga ang inisip mo. At paano ka naman, gabing gabi na ah-- sino ba yang hinihintay mong bata ka?"tanong nya at napangiti naman ako.
"Si Aya po. Inaantay ko!"
"Inaantay? Bakit pinapunta mo ba rito?"tanong nya at tumango lang naman ako. Nanlaki ang mga mata nya na ipinagtaka ko. "Nasisiraan ka na bang bata ka, masyado ng malalim sa gabi ay papupuntahin mo ang nobya mo dito. Baka kung anong mangyare dun, gabing gabi na. Babae pa naman, baka mapagtripan ng mga tambay sa labas."mahabang paliwanag ni Yaya at napalunok naman ako dun, nakaramdam ng kaba.
"Kasi Yaya--"
"Ano ka ba naman, tawagan mo sya! Baka kung anong mangyare dun. Sabihin mo susunduin mo sya."
"Sinabi ko na yun sa kanya Yaya eh, sabi nya wag na daw."
"At anong iniisip mo, may masasakyan pa sya ngayun? Masyado ng malalim sa gabi, ilan nalang ang mga sasakyang nagdadaan ngayun."bigla akong natauhan at ngayun lang napagtanto na posible nga palang wala ng sasakyan dun sa parte ng lugar nila Aya.
"Sige po, Yaya. Tatawagan ko sya."pilit ang ngiting sabi ko dito.
"Aba'y dapat lang. Paano kung may mangyaring masama doon, edi ikaw pa ang sisisihin."anya kaya parang naguilty akong pinapunta ko pa sya ng ganitong oras. Sorry honeybabe! "Ay sya. Pagkatapos mong tawagan ay matulog ka narin, matutulog na ako at maaga pa ako bukas para ipaghanda ka ng pagkain mo. Kung papunta naman sya dito ay ikaw nalang ang magbukas ng gate para sa kanya. Sige na."anya saka lumabas ng kwarto ko.
Wala sa sarili namang isinara ko ang pinto ng kwarto ko saka naglakad papalapit sa kama at nahiga doon. Pinilit kong intindihin ang mga pinagsasabi ni Yaya sakin. "Bakit parang ang tagal naman nya?"umupo ako at sumandal. "Dapat kanina pa sya dito ah."nakakaramdam na talaga ako ng kakaiba, napatingin ako sa katabi kong cellphone.
Kinuha ko ang cellphone ko at agad na tinawagan sya para alamin kong nasaan na sya. Ilang ring palang ay bigla na nyang pinatayan ako ng tawag. Loko yun ah, nagalit siguro. Napatingin nalang ako sa screen ng cellphone ko hanggang tuluyang mawala ang liwanag doon.
Pero ilang segundo palang nang bigla ulit iyong umilaw.
From: Honeybabe
Tulungan mo ako, Jiro! May tatlong lalaking humahabol sakin, please..kailangan kita!
BINABASA MO ANG
That Girl Is Mine (COMPLETED)
RomanceKwento ng babaeng papasok sa isang eskwelahan na merong mga lalaking kilala, tinitilian, kinababaliwan na kung saan ang taong mga yun ay magkakaroon ng kaugnayan sa kanya. Gaganda nga ba ang pag aaral nya at magiging kilala rin? O makikilala lang s...