Jiro's Point of View
Kasalukuyan akong natutulog ng biglang may kumuhit sakin. Pagkadilat ko ay sasamaan ko sana ng tingin ang sino mang gumambala sa pagtulog ko pero nawala yun ng makita ko ang isang magandang babae na nakatayo sa harap ko. Unti unting nanlaki ang mata ko at agad ko syang kinunutan ng noo.
Ilang segundo rin akong tulala sa kanya nung bigla syang magsalita kaya bumalik ako sa ulirat. Agad akong tumayo at nanghingi sa kanya ng sorry sabay tungo at iniwanan sya dun.
Pumasok ako sa pinakaloob kung saan inaayusan ng dalawang bakla si Aya. Nakita ko silang nag aayos ng gamit nila.
"Hey! Where is Aya?"tanong ko dun sa dalawa.
"Ay maka ingles jusme! Baklang Pat ikaw na sumagot dyan." ani Benj na nag aayos ng make up na ginamit.
"Si Aya ba?"tumango lang naman ako. Nakita ko ang pag nguso ni Pat.
Pinandilatan ko sya ng mga mata. "Gusto mo ng sapak?" banta ko sa kanya kasi ang pagkakaintindi kong meaning ng pag nguso nya ay gusto nya ng halik.
"Oh ano ka bakla. Magaling ka nga sa ingles pero mapapadugo naman yang nguso mo hahaha"ani Benj.
Hinampas naman sya ni Pat sa braso."Hindi yun. Ang sinasabi ko, yun oh!" turo ng nguso nya sa may likuran ko.
Tumingin naman ako dun at nandun sa likod ko yung babaeng gumising sakin kanina. "I-ikaw?"tinaasan nya lang naman ako ng kilay. "Aya?"pangungumpirma ko sa kanya saka bahagyang inilapit ang mukha.
Hindi sya nagsalita at tinaasan ako nito ng kilay. Sinulyapan nya ang kabuuan ko na akala mo ay kinikilatis ako. "Tsk. Hindi ako si Aya." sabi nya na may pagtataray.
Napalunok ako sa iniasta nya. Nakaramdam ako ng pagkapahiya. "S-sorry."humarap ako dun sa dalawang bakla at sinamaan ko sila ng tingin pero imbis na matakot sila ay mukhang natatawa pa.
"Hahahhah!"
d⊙_⊙b
Tawa nung babaeng nasa likod ko. "Hindi ako si Aya. Kundi Si Aya the Dyosa hahahha"tawa nya ng malakas kaya naman nakumpirma ko na ngang sya yun. "Ang ganda ko na. Hindi mo ako nakilala noh?"anya na lumapit sakin.
'The heck! She is so damn pretty!'
"B-bakit naman hindi kita makikilala."medyo nailang ako dahil sa medyo malapit sya sakin. "Eh halatang halata naman, sa boses mo palang." pagsisinungaling ko sa kanya.
"Nagandahan ka sakin diba?"anya na lalo pang lumapit. Napalunok ako.
'Ano bang pinagsasasabi nito? Ang lakas ng trip.'
Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Sakto lang."sabay harap saka nagbasa ng labi. "Hindi ka naman mukhang dyosa, psh!"singhal ko sa kanya.
"Tsk tatanggi ka pa eh. Hindi mo nga ako pinansin dun kanina."turo nya dun sa pinagkakaupuan ko dun. "Ang Sabihin mo, talagang hindi mo lang ako nakilala."pagmamayabang pa nito.
Hindi na nahiya!
"Oo na!"salubong na kilay na pagsuko ko dito. "Pero paano naman kita agad makikilala kung sobrang kapal ng make up mo!"sumbat ko sa kanya pero hindi naman talaga makapal. "Mukha kang sinubsob sa abuhan."ngumuso naman sya at sinulyapan sila Pat at Benj. "At yang buhok mo,ano bang klaseng buhok yan."panglalait ko dun saka tumingin dun sa dalawang bakla.
"Ay grabe sya."napatakip sa bibig si Benj. "Fashion yan bakla."sabi pa nito.
"Mukha ba akong bakla?"sita ko sa sinabi nya sakin saka sya binigyan ng titig na pumapatay.
BINABASA MO ANG
That Girl Is Mine (COMPLETED)
RomanceKwento ng babaeng papasok sa isang eskwelahan na merong mga lalaking kilala, tinitilian, kinababaliwan na kung saan ang taong mga yun ay magkakaroon ng kaugnayan sa kanya. Gaganda nga ba ang pag aaral nya at magiging kilala rin? O makikilala lang s...