Aya Point of View
Namuo ang tensyon sa pagitan namin nila Jiro at Nash. Lalo na at sumingit pa doon sila Jarren at Natalie. Nagsasalita pa si Nash ay bigla na lamang akong hinikit ni Jiro.
"T-teka saan mo dadalhin si Aya!"dinig ko pang tawag ni Jarren.
"A-ano? Sya si Aya?"gulat namang ani Natalie pero hindi ko na iyon nilingon pa.
"Oy sandali. Saan ba tayo pupunta?"hindi nya ako sinagot at tuloy lang sya sa ginagawa nyang paghihila sakin. Napansin ko na papunta kami sa stage. "H-Hoy!"pagpupumiglas ko pa. "A-ano ba? bakit tayo pupunta dyan?"tanong ko habang nagpupumilit kumawala pero masyadong mahigpit ang pagkakakapit nya sa braso ko kaya naman kasama nya parin ako hanggang makarating sa taas ng stage.
Nakita kong sumulyap sya sa isang tao sa may gilid ng stage. Parang pamilyar ang lalaking yun sakin.
'Sya yung kaibigan ni Jiro na may birthday eh.'
"H-Happy Birthday."bati ko doon at sabay tungo dito at hindi ko man gaanong narinig ang sinabi nya ay nabasa ko sa pagsasalita nya na thank you ang sinabi nya saka tumungo gaya ng ginawa ko.
"Listen!"panimula ni Jiro kaya naibalik ko ang tingin ko sa kanya. Hinawakan nya ang kamay ko na sya kong ikinagulat. "Pinapakilala ko nga pala sa inyo ang girlfriend ko, si Aya de Guzman."anya na sumulyap sakin saka bumalik ng tingin sa marami.
"Sa tingin ko ito na ang tamang pagkakataon na ipinakilala ko sya sa inyo. Para malaman nyo na boyfriend nya ako at girlfriend ko na sya. Para walang tao dyan na dumidikit dikit dyan sa girlfriend ko para lang dumiskarte."pagpaparinig nya kay Nash na nakipaglaban na naman ng tingin kay Jiro. Ilang segundo lang ay si Jiro na ang kusang umiwas ng tingin dito saka humarap sa iba. "Wag ko lang mababalitaan na may lumalapit sa kanya, because your DIED!"nanlilisik na matang anya na may tono ng pagbabanta. Kinilabutan pa ako dahil nag iba ang tono ng pananalita nya.
'Nakakakilabot naman itong si Jiro. Talagang matatakot ka kasi bakas sa mukha nyang seryoso sya. Halatang kapanipaniwala yung binibitawan nyang salita. Umaarte na sya ng parang totoo talaga ah.'
"Sandali lang."boses ni Nash na kumuha ng atensyon sa karamihan. "Grabe ka namang makapagbanta."nakangising anya saka biglang sumeryoso at nilabanan ang talim ng tingin ni Jiro. "Eh yang sarili mo pa nga lang mukha hindi mona kayang ipagtanggol."nakangising anya na animoy may ibig iparating sa sinabi nya.
"A-anong ibig mong sabihin?"kabadong tanong ni Jiro na wari ko ay meron ng ideya.
"Come on Jiro. Alam ko naman kasing may tinatago ka ring kahinaan, at ayaw mo lang yung ipakita sa iba. Kasi duwag ka!"
"Anong sinabi mo!?"lalapit sana si Jiro kay Nash sa baba pero pinigilan ko sya.
"Nash!"tawag nung kaibigan nilang si Drake. "Tama na. Tumigil ka na!"
"Sandali lang bro. Masyado kasi akong sinurpresa ng kaibigan mong 'to"anya na unti unting lumalapit. "Hanggang salita lang naman ang kaya."
"Anong--"tiim bagang ani Jiro pero pinigil sya nung Drake.
"Tama na Jiro. Wag mona syang patulan."paki usap pa nito.
"Nasurpresa talaga ako sa ginawa mo Jiro."panimula na naman ni Nash na umakyat narin sa stage. "Pero masyado ka namang selfish. Ako lang yung senurpresa mo."pabulong nitong sabi pero rinig parin namin. "Hindi ako selfish. Kaya dapat pati sila masurpresa." lumapit si Nash at hindi namin inaasahan ang biglaang pag alis ni Nash ng shade ni Jiro.
\( ö )/
d⊙_⊙b
"Huhhh!?"reaksyon nang marami ng makita ang mata ni Jiro.
BINABASA MO ANG
That Girl Is Mine (COMPLETED)
RomanceKwento ng babaeng papasok sa isang eskwelahan na merong mga lalaking kilala, tinitilian, kinababaliwan na kung saan ang taong mga yun ay magkakaroon ng kaugnayan sa kanya. Gaganda nga ba ang pag aaral nya at magiging kilala rin? O makikilala lang s...