Chapter 12

313 37 0
                                    


Aya's Point of View

Bumangon ako sa kama at tiningnan kung anong oras na. "9:30 na ah. Pupunta pa kaya yun."bulong ko sa kawalan matapos makita ang wall clock na nasa kwarto ko. Tumayo ako at kinuha ang phone sa aking study table. "Baka naman naligaw na."binuksan ko ang cellphone ko at nakita kong meron syang isang missed call. "Ganun ba kasarap ang tulog ko at di ko narinig ang pag ring nito?"tiningnan ko ang volume ng ringtone at nakita ko ngang mahina iyon kaya baka di ko narinig.

Sinubukan ko syang tawagan  pero hindi na naman nya iyon sinasagot. Bumuntong hininga ako saka lumabas nang kwarto ko saka kinuha yung towalya kasi gusto ko ng maligo.

"Oh anak. Gising ka na pala. Halika na at kumain."anyaya sakin ni Papa na kasalukuyang nakaupo sa sofa at nanunuod ng T.V. Tatayo na sana sya para akitin akong pumuntang kusina pero tumanggi ako.

"Mamaya nalang Papa. Maliligo lang ako sandali."sabi ko saka sya tinalikuran at naglakad sa banyo.

"T-teka anak. May sasabihin pa ako sayo."pahabol nyang sabi kaya nilingon ko sya.

Hindi sya agad nagsalita na akala mo ay iniisip pa yung sasabihin nya. Nakaramdam naman ako nang pagpipigil dahil bigla akong naiihi. "Mamaya nalang po. Ihing ihi naku,"sabi ko saka mabilis na naglakad at pumasok ng banyo.

"Anak, Teka--"narinig ko pang pahabol ni Papa pero di ko na sya nilingon kasi mukhang puputok na yung pantog ko.

Pagkahawi ko ng kurtina ay biglang may lumantad agad na katawan sa aking harapan.

d⊙_⊙b

"WAAAHHHHHHhhh.."napatakip ako ng mata gamit ang kamay ko dahil sa nakita ko.

Agad akong tumalikod sa kanya pero huli na ang lahat kasi nakita ko na ang lahat sa kanya."Hey! Sino yan?"agad na tanong nito na mukhang nagulat rin. "Bakit mo ako sinisilipan?"tanong nito, naramdaman ko ang paggalaw nya kaya naman nanlalaki ang mata akong lumabas ng banyo na nagmamadali pa.  "Sino ka!?"mataas na boses na tanong nya pa kaya muntik na'kong madulas.

Isang matipunong katawan ng lalaki ang nakita ko. Puro habon ang mukha nya kaya hindi ko sya nakita at alam kong nakapikit sya kaya hindi nya rin ako nakita.

Yung katawan nya na may habon ay sobrang namang talagang nakakauhaw. Kitang kita ko ang nag iinit nyang abs. Napakagat ako sa labi ko habang inaalala ang nakita ko.

May nakita pa akong kakaiba kanina pagkapasok ko."Y-yung--"nagsink-in pa sa utak ko yung nakita ko nung ibaba ko ang tingin ko kanina. "Sus maryusip Aya!"bulong ko sa sarili sabay sign of the cross dahil sa iniisip kong nakita ko.

"Kung sino ka man. Humanda ka sakin!"sabi nya na narinig ko pang kinakapa nya yung timba dahil sa ingay na ginagawa nyang yun. Bigla syang nagbuhos ng tubig kaya naman bago nya pa ako makita na nandun ay nagmadali na akong umalis.

Agad akong nagtungo sa sala kung nasaan si Papa. At pagkakita ko agad sa kanya ay sinamaan ko lang sya ng tingin."PAPA!"tawag ko kay papa ng malakas.

Tikom ang labi nya akong tiningnan. "O-oh bakit?"inosente nyang tanong sakin pagkabaling nya ng tingin. Tinaasan nya pa ako ng dalawa nyang kilay sinyales na kung anong problema.

"Papa naman eh!"nagdadabug  ang paghakbang ko papalapit sa kanya. "Bakit naman hindi nyo sinabi sakin na may tao dun sa banyo?"napapakamot pa ako sa buhok ko habang papalapit sa kanya.

"Huh? Eh-- yun dapat yung sasabihin ko kanina sayo eh."anya na umalis ng tingin sa TV at nilingon ako. "Pero sabi mo mamaya nalang."palusot nya pa na napapangiti.

That Girl Is Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon