Chapter 63: Announce

251 38 0
                                    

Aya Point of View

Nagulat ako sa pagpasok ni Hazel kaya naman napatigil ako sa paglalakad ko para bumaba ng stage. Tinaasan nya ako ng isang kilay saka ngumisi.

Anong problema nito, tsk!

"Ladies and Gentlemen. That is Ms. Aya De Guzman."ani Hazel at nagpalakpakan naman ang mga tao kaya parang napako na naman ako sa pwesto ko. Bakit sya na ang nagsasabi nun, asan na yung nagsasalita kanina? "Aya De Guzman, is a fake!"nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Hazel. Nilingon ko sya at nakita kong gulat din ang karamihan sa audience dahil sa sinabi nya. "Tama ang narinig nyo, Aya. is. Fake!"pag uuulit pa nya.

Nilingon nya ako saka dahan dahang naglakad papalapit sakin. Hindi naman ako makagalaw at nanigas na lang sa kinatatayuan ko. "Isa syang pekeng babae."anya na umiikot pa sakin saka huminto sa tabing kanan ko. " Pumayag syang magpanggap bilang girlfriend ni Jiro."

"Oh no!"

"Anong sinasabi nya?"

"Totoo ba yun?"

"Panggap lang sila?"

"Yieeh..single pa si Papa Jiro!"

"Bakit ganun?"

"Yes. Panggap lang sila ni Jiro. Ang nag iisang Jiro Sioson."paglilinaw nya pa. Nakatingin ako sa audience at talaga namang kita ko ang panghuhusga sa mga kilos at mata nila. May nagbubulungan at may mukhang nadidismaya sakin. Hindi ko yun kinaya at parang tutulo ang luha ko kaya umiwas ang tingin ko.

Paglingon ko sa gilid ay nakita ko si Jiro sa ibabang gilid ng stage at nakamasid sakin. Jiro? Bakit andyan ka lang? Hindi mo ba ako ipaglalaban? Hindi mo ba ipapaliwanag sa kanila ang totoong meron tayo? Please Jiro. Kung may kasalanan man ako sayo, please wag ngayun. Kailangan kita.

Namamasa na ang mata ko. Tiningnan ko kasi si Jiro pero matapos naming magtitigan ng ilang segundo ay bigla syang umiwas sakin. Unti unting bumagsak ang luha ko dahil sa ginawa nyang pag iwas na yun.

"Wala kang ebidensya!"

"Kelangan namin ng proweba!"

"Baka nanloloko ka lang."

"Oh come on. Halata namang disperada ang babaeng ito."anya na pinasadahan pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Bakit hindi nyo sya tanungin. Isang disperadang babae!"nakangising anya.

"Hazel tama na yan!"natigil ako sa pagluha nung marinig ko ang boses ni Natalie na kasalukuyang umaakyat kasama si Jarren.

"Oh hello Natalie. Bakit?"

"Pwede ba! Tumigil ka sa kahibangan mo, Hazel. Ano sa tingin mo yang ginagawa mo? Hindi ka na nahiya. Anong kalokohan yang pinagsasasabi mo?"sabi naman ni Jarren pero gaya kanina ay tinaasan lang sya ng kilay nito saka ngumisi.

"Bakit hindi mo tanungin si Natalie nyan Mr. Santos?"anya kaya maging si Jarren ay natigilan at nilingon nya si Natalie pero hindi ito nagsasalita. "Alam mo bang sya ang nagplano ng lahat ng ito. Alam mo bang una palang ay pinaplano na namin na paghiwalayin sila--"

"Tama na! Tumigil ka na, Hazel."yun lang ang tanging nasabi ni Natalie. Nilingon nya si Jarren pero kunot lang ang noo nito.

"Why Natalie. Ayaw mo bang malaman ni Jarren na pinlano mo lang na mahulog ang loob nya sayo para makakuha ka ng impormasyon tungkol kina Aya at Jiro. Hindi ba plano natin na lasingin sya kagabi para makompirma na talaga ngang panggap ang relasyon nila Aya."napaawang ang labi ni Jarren sa mga naririnig nya.

Hindi naman makapagsalita si Natalie at binigyan nya lang si Jarren ng humihingi ng tawad na tingin. Napasinghal pa si Jarren sa iniasta ni Natalie nung mamula na nga ang mata nito. "Hayaan mo akong magpaliwanag, Jarren please."

That Girl Is Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon