Chapter 36: Parade

318 36 0
                                    

Aya Point of View

Matapos ang mga gawaing ipinagawa sakin ng abnormal na si Jiro sa buong maghapon ay daig ko pa ang nag construction worker sa sobrang sasakit ng katawan ko. Pabagsak akong nahiga sa kama sa guest room at kinuha ang cellphone ko.

"Bukas na pala ang parade ng mga Wings. Mabuti na lang natapos narin namin yun nung hapon ng biyernes."bulong ko sa sarili. "Sana naman ay maging maayos ang resulta, kasi ako ang masisita ni sir kasi ako ang leader."napabuntong hininga ako at kinalikot na lang ang phone ko.

Nagplay ako ng music para marelax naman ang katawan at isipan ko. Habang kinakanta ng artist ang kanta ay nai-imagine ko bigla ang mga nangyari samin ni Jiro.

'Dying inside to hold you-Darren E.'

🎶It's turning out just another day
I took a shower and I went on my way
I stopped there as usual
Had a coffee and pie
When I turned to leave
I couldn't believe my eyes🎶

🎶Standing there I didn't know what to say
Without one touch we stood there face to face🎶

"Babe!"tawag nya sakin.

"LISTEN! Gusto kong malaman nyo na.. This girl is my Girlfriend."

"Thank you. And I want you."

"Hah! Gino-good time mo ba ako? Gusto mo bang mamatay!"

"No! I'm serious. I want you, gusto kita!"

"Mahal mo 'ko? As in agad agad?"

"No, it is not like that!  gusto kitang--"pinutol nya ang sasabihin nya at bigla nalang akong sinunggaban ng halik.

Naitikom ko ang bibig ko sa isiping yun. Hindi ko inaasahan ang ginawa nyang yun noon at talagang halos natulala nalang ako at hindi alam kong pano ba magrereact. Napangiti na lamang ako saka ibinalik ang pakikinig sa kanta.

🎶And I was dying inside to hold you
I couldn't believe what I felt for you
Dying inside, I was dying inside
But I could'nt bring myself to touch you🎶

Nagpatuloy lang ako sa pakikinig ng iba pang mga kanta at ilang minuto lamang ay nakaramdam na agad ng antok dahil sa sobrang pagod.

d-_-b Z.zzZ.zzzZ..

Kinabukasan..

Maaga akong nagising dahil napasarap ang tulog ko kagabi lalo na at malambot ang kamang hinihigaan ko. Pumunta ako sa banyo at nagtootbrush saka mabilis na naligo at nagbihis. Pagkababa ko sa hagdan ay nakita ko na agad si Jiro na nasa dining at kumakain ng breakfast.

'Talagang wala syang balak na gisingin ako eh para lang madagdagan ang punishment ko kapag nalate ng gising. Pwes! Hindi ngayun kasi maaga akong nagising hehe.'

"Oh ang aga mo ngayun ah."nakangising anya. "Akala ko pa naman ay mahuhuli ka na naman kasi masasakit ang katawan mo."dagdag nya pa pero hindi ko na iyon pinansin. Naupo ako sa tapat nya at nung sinulyapan ko sya ay nakatitig parin sya habang nakangisi.

'Abnormal!'

Hindi ko na sya pinansin at kumuha na lang ng hotdog. Kain lang ng kain hanggang sa mabusog. Kukuha pa sana ako ng pangatlong hotdog na kakainin ko nung mapansin ko na namang nakatitig sya sakin at nung tumitig rin ako sa kanya habang nakataas ang kilay ay kusa syang umiwas na akala mo ay natauhan.

That Girl Is Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon