Chapter 58

239 37 0
                                    

Aya Point of View

Habang nagkaklase kami ay hindi ko maiwasang maisip si Jiro. Kung ano nga ba ang nangyayari sa kanya kung bakit parang sumama ang pakiramdam nya bigla matapos ko syang iwanan sa parking lot kanina.

Ayos lang kaya sya? Saan sya pumunta kanina nung iniwan ko sya dun?

Matapos ang sumunod pang klase ay agad akong nagmadaling mag ayos ng gamit ko. Nakita ko si Jarren sa may pintuan ng room namin.

"Ah. Jarren mauna ka na. Kasabay ko kasi si Jiro, inaantay nya ako sa labas."

"Ganun ba. Sigeh..pupunta nalang ako sa inyo mamaya."anya saka kumaway sakin. Pagkalabas ko ng room ay nagmadali akong maglakad ng pathway ng building namin.

"Aya."nahinto ako nang marinig ko ang boses ni Nash. Nilingon ko sya at nagbigay ng nagtatanong na tingin sa kanya. Ngumiti mona sya bago nagsalita. "Pwede ba tayong mag usap?"sabi nya sa seryosong tono, nawiwirduhan ako sa kanya pero hindi ko na lang sya tinanggihan.

Bumaba kami sa building at doon sa baba nag usap. "Tungkol saan ba yung pag uusapan natin?"tanong ko sa kanya.

"Tungkol sa nararamdaman ko sayo."diretso nyang sagot kaya natigilan ako. Tiningnan ko sya sa mata at kita ko ang sinsero sa mata nya.

"A-anong nararamdaman. Hindi ba sinabi ko na sayo yung nararamdaman ko?"sabi ko naman.

"Gusto ko lang malaman ulit. Mahal mo parin ba ako gaya ng dati? Gusto mo parin ba ako? May crush pa ba sakin?"sunod sunod na tanong nya kaya napalunok ako.

Naglinga linga ako sa paligid pero konte nalang ang taong naglalakad papauwi. "A-ano bang--"

"Please. Sagutin mo."may tono ng pakikiusap sa boses nya.

Bumuntong hininga naman ako saka humarap sa kanya. "Oo. Inaamin ko na naging crush kita, naging gusto kita noon pero nafriendzone mo ako. Tapos dumating dun sa punto na ikaw naman yung nag confess."seryoso lang syang nakatingin habang pinapakinggan ang sinasabi ko, at kinakabahan ako dun kasi baka masaktan ko sya. "Inaamin ko, nung umamin ka, hindi ako makapaniwala. Kinilig ako, kinabahan at tinatanong ko sa sarili ko kung bakit nga ba yung taong crush ko ay nagkagusto narin sakin? Sobrang saya ko at hindi ko iyon itatanggi sayo."napangiti sya ng maliit sa sinabi ko. "Pero..napag alaman ko sa sarili ko na hindi ako pwedeng mahulog sayo. Hindi tayo pwede."

Gusto ko mang sabihin sa kanya na gusto ko talaga sya nun, pero hindi pwede kasi nagpapanggap kami ni Jiro that time. "May karelasyon ako at ayaw ko syang saktan. Ayaw ko syang nakikitang umiiyak ng dahil sakin, kasi mahal ko sya. Mahal ko si Jiro, Nash."

'Ang plano ko talaga nun, kapag natapos ang kontrata namin ni Jiro bilang nagpapanggap na magkasintahan ay aaminin ko ang lahat kay Nash at sasabihing sya talaga ang gusto ko, pero nabago ang lahat ng plano ko simula nung umamin si Jiro ng totoong nararamdaman nya sakin, at nung mapag alaman ko rin sa sarili ko na mahal ko na rin sya, na nahulog narin ako kay Jiro'

Napangiti si Jiro at bahagya pang napatawa. Alam kong yun lang ang pinapakita nya pero sa loob loob nya ay sobra ko syang nasaktan. "Sorry, Nash. Pero hanggang dun lang talaga tayo."dagdag ko pa. Sorry pero hanggang magkaibigan nalang tayo, gaya nang sinabi ko kay Jarren.

"Ayos lang yun, nilinaw ko lang naman."nakangiting anya. "Malay ko ba kung nahulog ka ulit sakin diba. Kaya sinisiguro ko lang haha."anya at napatawa naman ako sabay palo sa braso nya. "Tara na. Tayo nalang yata ang andito, ma-issue pa tayo, makarating pa kay Sophia."anya na nagsimulang maglakad.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. "Umamin ka nga sakin!"sita ko sa kanya na ikinagulat nya. "Mahal mo ba talaga si Sophia?"sabi ko at nagtuloy lang kami sa paglalakad.

That Girl Is Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon