Chapter 34:

312 38 0
                                    

Aya Point of View

Kinabukasan..

Antok na antok pa ang mata ko at gusto pang pumikit pero masyado ng umiinit ang pisngi ko dahil sa sikat ng araw mula sa bintana. Napilitan akong dumilat kahit ang malalambot na kama at unan ay pinipilit parin akong pumikit.

Kinuha ko ang cellphone ko sa ibabaw ng study table at tiningnan kung anong oras na ba.

d⊙_⊙b

'7:59'

"Wahhh! Late na late na ako."mabilis akong bumangon ng kama at lalabas sana ako para hanapin yung banyo ko pero naalala ko na nasa bahay nga pala ako ng bahay nila Jiro. "Patay! Kailangan ko pang pumunta sa bahay? Madadagdagan ang punishment ko nito!"bagsak ang balikat na bumaba ako ng hagdan at nakita kong nasa labas yung Yaya ni Jiro. "Manang!"tawag ko dito at humarap naman sya. "Nasaan po si Jiro?"tanong ko.

"Pumasok na sya iha."sagot nito.

"Bakit hindi po ako ginising?"

"Aba eh ewan ko ba dun sa batang yun. Gigisingin sana kita pero ang sabi ay hayaan lamang daw kitang matulog."nanlaki ang mata ko sa sinabi nyang yun.

'Ibig sabihin ay pinuyat nya talaga ako para lamang hindi ako magising maaga. At talagang inutusan nya pa yung Yaya nya na huwag akong gisingin huh! Nakakasar!'

"Ang aga nyang nagising kanina eh. Pumunta sa bahay nyo at kinuha ang ilang gamit mo."anya kaya lalong nanlaki ang mata ko. "Dinala nya ang bag at uniporme mo. Maging sapatos ay dala nya."paliwang nito.

"Nasaan po ang mga yun?"tanong ko sa kanya.

"Ay andun sa cabinet ng guest room. Doon ko inilagay."anya kaya naman nagmadali akong umakyat ng kwarto na yun. Binuksan ko ang cabinet at nandun nga ang ilang gamit at uniform ko.

Mabilis akong pumasok ng banyo at naghanap ng towalya. Binuksan ko ang shower at saka naligo.

'Talagang kinuha nya yung gamit ko sa bahay huh. Pinaki alaman nya yung cabinet ko para lang kumuha ng damit.'

Matapos kong maligo ay mabilis kong binuksan ang cabinet at kinuha ang nakahanger na uniform ko. "T-teka!"nahinto ako sa naisip ko. Mabilis kong inisa isa ang damit na nakatiklop sa ibaba ng cabinet at bumungad nga doon ang ilang nakasalansan kong panty at bra.

"Whaaaaahhhh!"sigaw ko ng malakas. "Bakit pati yun pinaki alaman nya. Nakakahiya!!!"wala sa sariling isinara ko ang cabinet. "Yung luma kong under wear baka nakita nya rin, wahhh!"gusto kong iuntog ang ulo ko ng malakas sa cabinet dahil sa kahihiyan na naiisip ko.

Mabilis akong nagbihis saka humarap  sa salamin at mabilisang sinuklay ang buhok ko. Matapos kong ayusin ang mga gamit ko ay sinulyapan ko pa ng tingin ang cellphone ko at nakita kong 8:15 na.

Pagkababa ko ng kwarto ay sumalubong agad sa akin sa baba ang yaya nya. "Aalis na po ako!"sabi ko dito at hindi ko na inatay ang sagot nya.

"Ingat ka iha."sigaw nya sakin nung nasa labas na ako ng bahay. Nagtatakbo ako papunta sa kanto at naghanap ng masasakyan.

"Manong pasakay!"mabilis naman nitong pinaandar ang sasakyan nyang tricycle saka lumapit sakin. "Sa Sioson High manong,bilis."agad nyang pinaandar ang sasakyan at mabilis naman kaming nakarating ng school.

Sumulyap ako sa phone ko at 8:22 na. Naglakad ako ng halos patakbo na hanggang marating ko ang building namin. Umakyat ako ng hagdan na halos pawis pawisan na. Nakaramdam ako ng hilo sa sobrang pagod pero pinagpatuloy ko parin ang paglalakad. Nadaanan ko ang classroom nila Jarren at alam kong may teacher doon pero hindi ko na iyon nilingon pa.

That Girl Is Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon