𝐂𝗁𝖺𝗉𝗍𝖾𝗋 9

2.9K 344 140
                                        

Aya’s pov.

Plan B:
‘Kung hindi madaan sa bait, haluan ng kunting harot, tas batok para success.’

“What are you doing?”

“’Di ba may date tayo?”

“Date?” taka nyang tanong habang tinatapik ang kamay kong nakahawak sa kwelyo niya. Inaayos ko lang naman ’yung necktie niya.

“Oo, sinabi mo ’yon kahapon. Hindi mo na ba matandaan?”

Napaisip pa ang mokong— pero to be honest, wala syang sinabi.

Sinabi ko lang ’yon dahil sabi ni Ate Jaze, dapat daw may time kami together. At once na nakuha ko na ang mala-demonyong ugali niya, tiyak, sasang-ayon na rin siya don sa BCE.

Sabihin na nating kailangan, kailangan ko talaga ’to, kaya gagawin ko ang lahat para lang dito.

“I didn’t tell that. Don’t make fun of me, little idiot.” 

Bwesit naman ’to, buking agad?

“Ha-ha-ha, si Ate Jaze pala ang may sabi,” I said, then hinampas siya ng marahan. He glares at me. Bwesit talaga! Makatitig wagas— tusukin ko mata mo, eh!

“Bakit?”

“Don’t waste my time, little idiot. May dapat akong gawin,” he said, then started to walk away from me.

Ka-inis! Anong gusto niya, siya lagi ang masunod?

Kahit sa pagpasok ko, pinagbawalan niya ako. kinuhanan pa ako ng private teacher na magtuturo sa ’kin— na akala mo sagot niya, ako rin pala ang magbabayad.

One year na lang ang kailangan kong tapusin, since patigil-tigil ako noon sa pag-aaral dahil halos hirap din akong maghanap-buhay.

Nakaahon nga ako ng bahagya, nilulubog naman ako ng tarantadong ito sa ngayon.

“Ako rin! May date ako, eh!”

Pagpaparinig ko sa kanya na kinahinto niya naman. Lumingon siya sa ’kin, bago taimtim akong pinagmasdan.

Sabi ni Ate Jaze, ang kontrata raw namin ang pinakamalakas kong sandata. I should tease him about it, but still— even if I’m using it a little against him— I should never talk about it to the others.

“Anong trip mo?”

Puno ng kuryusidad nyang saad sa ’kin, habang ang kanyang mga titig ay tila hindi pa rin natitinag. Ang talim ng mga ’yon— tumatagos ng husto sa ’kin.

“Hindi pa ako kumukuha ng ticket sa train, plane, or bus, kaya anong trip pinagngangata mo dyan?”

“Ba’t ang bobo mo?”

“Anong bobo? Baka gusto mong basahan kita ng librong pabaliktad na, bwesit ka!”

“Try it, idiot. Sinong tanga ang magbabasa ng libro na nakabaliktad? Well, it’s probably you.”

“Tinawag mo ba ’kong tanga? Ang galing. Baka Ikaw— tanga!” I yelled at him, when suddenly, nakaramdam ako ng tila kapikunan sa kanyang mga salita.

And then later on, napahinto kaming bigla sa alitang nagaganap sa pagitan naming dalawa nang makarinig kami ng tila mga yabag na bumababa sa hagdan.

Kasunod no’n? Ang tila paglitaw ng dalawang presensya— si Kian at si Zhe’kin.

Ang isang abno (Kian) at man of a kind (Zhe’kin).

They were both confused when they saw us, at tila ba nangangapa pa ng sasabihin ang isa sa kanila sa amin.

The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon