𝐂𝗁𝖺𝗉𝗍𝖾𝗋 21

2.4K 256 89
                                        

Aya’s pov.

“Sa kabila! Bilis, bilis!” sigaw ko habang mabilis na tumatakbo— what I mean is lakad-takbo— halos hindi kasi maki-cooperate sakin ’tong kasama ko.

Naglalaro kami ng Tag Mate, kung saan kailangan naming barilin ’yung ibang couples na kasali rin dito sa game na ito gamit ang toy gun.

Laruang baril lang ’to na may malambot na bala, tapos ’pag natamaan ka, sasabog sayo ’yung kulay nito. Don’t expect na gagamit kami ng tunay na baril— kasi wala naman sa content nitong program na pumatay nga talaga kami ng totoong couples.

But if ever, ligtas kaming dalawa nitong mukhang kutong lupang katabi ko. Why? Dahil hindi naman kami real couple.

Anyway, kung may laro, syempre may rules din. Simple lang naman ang rules ng laro: kailangan mong tumakbo, magtago, umiwas don sa mga taong babaril din sayo, dahil once na natamaan ka o yung kakampi mo— you’re out na daw.

But you know what’s fun about it? Yung manalo. Hindi sa gusto kong kilalanin nila ako bilang isang magaling na kalahok— yung premyo kasi yung inaasam-asam ko. Dahil extra income daw ito sa amin, kaya gusto ko ring manalo ng dahil don.

Nakaplano na ang lahat sa akin— kung paano ako magtatago, iilag, at bumaril para matamaan ang kalaban nang sa gayon ako ang manalo. Ngunit yung isa yung sumira ng lahat. Wala syang pake— or more on ayaw nyang maglaro. Kung hindi ko pa siya hinila kanina, siya na sana ’yung matataman.

Like, ang galing lang. Tudo tago ako, tapos siya naman pinanindigan yung pagiging isang malaking target. Nakatanga, nakatulala, hindi yumuyuko— puro tindig pa. Like he was calling for someone to shoot him.

Masyado na syang nagfi-feeling aso— tamang pakaladkad lang.

“Ilag!” muli kong sigaw, bago siya hinigit upang makayuko din sana. Napamulagat ako sandali nang tila tumawid sa pagitan namin ’yung bala, kaya naman napaangat ang kamay ko tungo sa kanyang ulo bago agad itong iniyuko.

He seemed confused, then threw his what-are you-doing look on me. Then as usual, bumungad na naman sakin yung kalmado nyang mukha na bigla-bigla na lang magiging poker face.

Here comes his calm face again. Kung abnormal lang ako, baka siya na yung binaril ko— masyadong malapit— headshot agad.

“Eaze naman eh,” maktol ko sa kanya, habang nanatling nakatago mula sa likod ng mga malalaking blocks na nakabalandra ngayon sa amin.

It confused me for the first time kung bakit may ganito, and then later on napagtanto ko na kaya pala may ganito ay upang magka-thrill din yung laro namin.

Dagdag mo pa yung madilim na paligid, at pagkukurap-kurap ng mga iilang ilaw dito upang magbigay ng liwanag para makita rin ang kalaban— grabe yung thrill, muntik na kung maduling.

Bukod doon, napansin ko rin ang ilang mga camera na nagkalat sa paligid. Don’t tell me, naka-live kami ngayon? Nanonood sila ng mga katangahan namin?

“What?”

“Take it serious.”

“Why?”

Nanliliit ang aking mga mata nang titigan ko si Eaze. Seriously? I give up. Para saan pa yung pagpapatuloy kong paglalaro upang manalo, kung yung kasama ko  naman ay ayaw makisama’t maglaro?

Wala sa wisyong napatayo ako, bago binalingan siya ng tingin na tila walang halong emosyon. He was looking at me  with more confusion written on his face.

“What are you doing?”

“Ginagawa ko lang yung gusto mong gawin simula pa kanina—” I said, then suddenly saw someone na tila gagawi sa aming pwesto rin. Ramdam kong kalaban din namin ’to, dahil wala namang ibang nasa loob ng game area kundi ang mga kalahok lang. “—ang mag patama...”

The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon