𝐂𝗁𝖺𝗉𝗍𝖾𝗋 38

1.6K 199 18
                                        

Aya's pov.

"Hindi!!" Wala sa wisyong sigaw ko habang tila baliw na nag-iikot-ikot ng gulong ngayon sa aking kama.

I don't know what exactly happened to me, pero after ng ilang mga moments ko together with him, I can't stop thinking about him.

Nahihibang na ba 'ko?

Anyway, I can do whatever I want ngayong araw- mag-lupagi at sumigaw na parang hibang, since bukod sa 'kin, wala na rin namang ibang tao dito ngayon sa bahay.

Why? Because he's not here. Nasa Japan siya ngayon, together with his BP's mate.

To be honest, limang araw na rin ang nakalipas simula nang umalis siya- at limang araw na rin akong nahihibang, kakatalo sa sarili ko about sa nararamdaman ko sa kanya na dapat ko ngang i-deny sa sarili ko para hindi na lumala pa.

But still, I can't stop myself thinking about him.

Minsan, para na rin akong nahihibang, thinking na narito lang siya kahit wala- yung presensya niya, para ko na ring nakikita.

I've this kind of 'I don't know what' kind of thing, na para talaga akong nasiraan ng bait. Nagsasalita ako mag-isa dahil feeling ko kinakausap niya 'ko, naiinis din dahil feeling ko pinipikon niya 'ko, and then I just realize na wala nga pala siya dito.

But I'm still imagining his presence.

Hindi pwede. Kailangan kong ibaling ang aking atensyon sa iba pang bagay para makalimutan ko.

So here's the thing...

Naglaba, nagwalis, naghugas ng plato, at halos nalinis ko na ang buong bahay, but still, kahit anong pagbaling ko ng atensyon sa ibang bagay, hindi ko pa rin mapigilang isipin siya.

Pagod na 'ko, pero iniisip ko pa rin siya.

'What are you doing?'

Napasapo ako sa aking noo bago nilingon siya.

Seriously? He keeps popping anywhere and everywhere- agaran kong winasiwas sa kanya ang hawak kong pangtanggal ng alikabok na para bang buntot ng mga manok. After that, bigla na lang nawala yung imagination ko sa kanya.

"Punyeta, lumayas ka sa harap ko," naiinis kong wika bago pinagpapalo ang presensya nyang aking nakikita- na kung tutuusin lang, mukha na akong tanga na nagwawasiwas at pumapalo lang sa hangin.

'Idiot.'

"Bwiset, 'wag mo 'kong ma-idiot-idiot."

'Your brain isn't functioning, right?'

"Letse, tantanan mo 'ko," naiinis kong wika sa kanya, nang tila patuloy pa rin ang aking utak sa pag-imagine ng presensya niya ngayon.

Hibang na 'ko. Nahihibang na talaga ako.

Mula sa tila tumatakbong may lipad na utak, wala sa wisyo akong natigilan nang tila humampas ako sa kung anong pader na hindi ko matukoy kung bakit hahara-hara. At sinalubong akong bigla ng pagkawala ko ng balanse at napa-upo na lang ako sa sahig.

Wala sa wisyong napaangat ako ng tingin upang alamin kung saan ba ako sumalpok.

At bumungad si Eaze sa akin.

"What's with you?"

"Tantanan mo na 'ko, punyeta ka!" Naiinis kong bulyaw sa kanya bago agaran na tumayo at sinalubong siya ng sampal ko.

Ngunit tila hindi ko inasahan yung nangyari.

Akala ko maglalaho syang bigla, ngunit tila hindi man lang tumagos ang aking kamay sa kanyang pisngi at sa halip nagbigay pa yun ng tunog na masasabi kong may nasampal akong tao.

The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon