Aya’s pov.
“We’ve been fixing the issue, sir— since hindi pa kayo makakalabas ngayon dahil sa biglaang dagsa ng mga taga-supporta niyo mula sa labas ng entrance at exit.”
“What about the other update sa sasakyan?”
“As you can see, sir, hindi tayo pwedeng gumamit ng sasakyan dahil baka ma-trap lang kayo mula sa baba. That’s why we suggested you take our helicopter.”
“That’s great. Kailan kami makakaalis?”
“Well, sir, we’re working on it. As you can see, ang kaso po, hindi po nakakapagpalipad ng helicopter nang maayos ngayon since hindi rin po maganda ang ihip ng hangin.”
“Are you referring your points in no ways? Since all your suggestions still ended up with reasons na walang magagawa sa ngayon.” 
Yumuko lamang sa kanya ’yung babaeng taga-company din nila, kaya napamulsa na lang si Eaze bago bahagya kaming nilingon lahat.
“For how long will we stay here?”
“About that, sir... we’re not yet sure. It depends on the weather. But don’t worry about the security in this restaurant-hotel, nakausap na namin ang owner ng building na pansamantala muna itong isara—” 
Sandaling natinag ’yung babaeng kausap ni Eaze nang biglang mag-senyas si Eaze ng kamay.
“Got it. I know Jaze’s been taking care of everything.”
Ano nga bang nangyayari? Lately, nagsimula lang sa sampung katao na gustong magpapicture at autograph sa kanila, tapos nauwi sa bente, hanggang sa maging isang milyong katao na ngayo’y nakatipon at naghihintay sa labas nitong building para sa kanila.
Na-trap kami sa loob ng isang restaurant-hotel na hinintuan namin. Halos hindi kami makalabas dahil nagdagsaan na rin ang iba’t ibang tao at media na gustong mag-interview sa kanila.
Dahil sa labis na pang-aabala sa negosyo ng may-ari nitong resto-hotel na ultimo napilitan silang pansamantala itong isara muna para sa safety namin, ay binayaran na lamang sila ni Eaze para sa pagpapanatili sa amin dito.
Which I envy about them also. Bakit? Dahil kaya nilang bayaran lahat ng bagay sa loob ng segundo lang, samantalang ako? Kailangan ko munang maghirap at maglaan ng maraming araw para doon.
“You heard what she said, we’ll be staying. You can choose your own room on this floor.” Saad ni Eaze na ikinatango naman naming lahat.
“It’s settled. Mine is Room 05,” wika naman agad ni Kian kaya napabaling ang tingin namin sa kanya. 
“How about you guys?” tanong naman ni Eaze doon sa dalawa— I’m talking about Ferrie and Zhe’kin.
“Room 06,” - Ferrie.
“Room 06,” - Zhe’kin.
Sandaling natinag at natigilan ang dalawa nang tila sabay pa silang sumambit ng parehong numero ng kwarto lang rin— mukhang pareho lang rin ang takbo at liko ng utak ng dalawang ito.
“Nauna ako...” reklamong saad agad ni Ferrie kay Zhe’kin.
“Mas nauna ako,” reklamong tugon din naman sa kanya ni Zhe’kin bago sila nagtaasan ng tingin at pride sa isa’t isa dahil lang sa numero ng kwarto.
“Mas nauna nga ko sabi eh!” Wika naman ulit ni Ferrie na tila ayaw magpatalo kaya naman nakatuon ang tingin naming tatlo sa kanilang dalawa ni Zhe’kin.
“It’s me, mas nauna ako,” tugon din naman ni Zhe’kin na tila wala ring balak magpatalo.
“Nauna ako!” - Ferrie.
                                      
                                  
                                              BINABASA MO ANG
The Pretender
Romance- Completed. She's Aya Fenchen, an addle-brained and old-fashioned woman. She lives a peaceful life, but not until she meets Eaze. The famous idol who set her on a contract for being his girl, a contract that she can't refuse for a lifetime for some...
