𝐂𝗁𝖺𝗉𝗍𝖾𝗋 19

2.4K 284 121
                                        

Aya’s pov.

I don’t even know what’s happening with him, pero tila nagbago ulit ng ugali si Eaze. His tempered attitude— the worst side of him— is finally back.

He treats me the same way as he treated me before— as if walang pakialam.  Well, gano’n naman talaga dapat, ’di ba? Dahil hindi naman totoong naging kami. So why should he care about me? Pakitang gilas lang naman yung mga mabubuting trato niya sa ’min nitong mga nakaraan.

Like, what’s new about it? Ano pa bang aasahan ko, eh pagpapanggap lang naman itong lahat para sa kanya?

Yung kunwaring mabait siya sa’kin, pero in real joke lang pala. Dapat talaga hindi na ako umasa, lalo’t pa wala nang pag-asa.

For another update— about BCE, hindi talaga hinayaan ni Ate Jaze na i-cancel ito ni Eaze. So ang nangyari, at the end, natuloy pa rin ang contract naming dalawa dito.

To be honest, Eaze had a point about protecting my own privacy before. Kaso napag-isipan ko na rin na Maya’s more important than that. BCE can give me much money to earn. It will also be good for me, lalo’t malaki-laki ang kikitain ko.

2nd Mission: Sweet moment being together at the pool.” Pagbasa ko sa isang sulat na nasa envelope.

Napatingin ako kay Eaze para sabihin sana yung sulat na naka-attach sa envelope. I tried to call him pero mukhang busy ata siya sa kanyang cellphone dahil hindi man lang ako nito nagawang lingunin.

“Eaze?”

“Uhm?”

“About mamaya— I don’t even know what to do, kung anong arte ba dapat ang gawin ko kasi halos hindi ko talaga alam ang gagawin.”

“Just follow my lead— and ride on me,” wika nito sa’kin without even looking at me. Napailing na lang ako, hindi man lang bumabaling ng tingin sa’kin.

But wait... what does he mean by ride on me? Hindi ba’t parang nakakahiya naman ata ’yon? What I mean is, mabigat din ako— baka mahirapan siya pag sinakyan ko siya.

“Uhm, Eaze?”

“What?”

“Baka mabigatan ka sa—” he cut my words.
That’s why I never even finished what I meant.

“Huh? Are you thinking that— oh, fuck, of course you’re thinking in that way. Ride on me doesn’t mean— I mean it literally, idiot. What I mean is, just go with the flow and follow my lead or act.”

Napatango naman ako doon sa sinabi niya. Medyo napahiya ako doon, ah. I thought sasakyan ko talaga siya— na para bang sasakyan talaga siya.

“Dapat seguro mag-practice tayo ng mga lines, dahil may mga hidden camera doon— mahirap na magkamali tayo,”  wika ko sa kanya na tila kinakabahan na para mamaya.

“It’s your matter, not mine. Your consequence as well. I can act better without a script. Do it yourself,” he said, bago bahangyang bumaling ng tingin sa’kin at agad na tumayo upang umalis.

He left me behind again.

Napakagat-labi na lang tuloy ako dahil sa ilang na nadarama. Para kasing iniiwasan niya ’ko— or nag-a-assume na naman ako. Gano’n naman siya lagi, ’di ba? Walang pakialam sa paligid niya?

He doesn’t even care kahit na may masaktan siya.

___

Hours have passed, and here we come— attending the mission that’s been assigned to us. Nasa pool area kami ngayon. We need to act normally as couples do while they’re here.

The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon