Aya’s pov.
“Are you sure about this?” takang tanong sakin ni Maya habang seryosong sinusuri ako— ano bang tingin niya? May mali sakin?
Hindi naman baliko yung ulo ko.
“She’s fine,” dagdag naman ni Kian doon sa sinaad ni Maya, kaya gumawi sa kanya yung tingin ko, kung saan bumungad naman siya sakin na tila kampante lang habang nakapamulsa.
“Do you think this thing will work?” mataray na tanong sakin ni Ferrie habang busy kaka-retouch ng kanyang mukha doon sa salamin nyang dala.
“Moome’s plan will always work,” said baby Zeyan, making her effort to comfort me as well at palakasin yung tiwala ko sa sarili. But the thing is, my plan always ended in failure.
“Tutula ba siya?” Zhe is confused.
Sasagutin ko na sana yung katanungan niya, kaso naunahan naman ako ni Ferrie.
“Tanga, may nagtutula ba with instruments such as guitar, drums, etc.?” sarcastic na pagkakasabi sa kanya ni Ferrie na tila ikinainis naman ng bahagya ni Zhe.
As always, hindi talaga sila nagkakasundo sa anumang bagay kaya normal na lang rin samin yung bangayan nila.
Anyway, kahapon, isa na namang palpak ang nangyari between me and Eaze— halos hindi ko nasabi sa kanya yung mga salitang gusto kong sabihin. Kaya ngayong araw, itutuloy ko na nang may plano.
“Wait, ano bang plano mo?” takang tanong sakin ni Ferrie, kaya naman dumako sa kanya yung tingin ko. Pero hindi ko na halos nagawang sagutin nang magsalita si Maya, as sagot ko na rin.
“She wanted to court Eaze,” said Maya.
Ferrie throws her glance at me na tila hindi makapaniwala. “Seryoso ka?” tanong niya na ikinatango ko naman.
“Para tayong mga nangangaroling with the band,” tatawa-tawang sabat ni Kian, kaya bumaling sa kanya yung tingin ng lahat.
Mga bwesit ‘to, nanghingi ako ng tulong sa kanila para tulungan nila ako, hindi para kantiyawan.
“Tulungan niyo na lang ako, pwede? I just want to give him a present,” saad ko sa kanila bago ngumuso ng akin.
“For what? Hindi naman niya birthday,” Ferrie said before she rolled her eyes at me.
Kung may dugong bughaw, meron ding dugong bruha, at yung dugong ‘yun? Dumadaloy sa lahat ng ugat nitong halimaw na nakatayo sa harapan ko ngayon (talking about Ferrie).
Like seriously, sumama lang ba sila para makapag-live comment ng katatawanan sakin?
“Yung totoo, naka-ninong side kayo?”
“Well, Aya, your ideas are so lame,” Ferrie said once, bago nag-apply na naman ng blush on sa kanyang pagmumukha.
Kung sampalin ko kaya siya ngayon? Tiyak hindi niya na ‘yan kailangan dahil natural na blush on ang ilalagay ko sa kanya na tatagal ng kalahating oras.
Pero depende rin siguro sa lakas ng sampal ko.
“Is that a compliment? Thank you, ah?” sarcastic ko namang pagkakasabi sa kanya na ikinatawa naman ng iba.
“Haharanahin mo ba siya? Seriously, tingin mo ba maririnig niya tayo mula dito hanggang doon sa loob?”
Actually, I knew that already. Hindi naman ako sasabak agad dito nang walang plano— magmumukha akong tanga kung kakanta ako mag-isa dito; tiyak hanggang gate lang ang aabutin ng boses ko since malayo yung bahay niya sa gate.
“Kaya ko nga kayo sinama,” saad ko bago pinag-aabot sa kanila yung mga instrumentong nahiram ko lamang kay Aling Merna.
“Just play it loud, kahit sabog. Ang mahalaga makuha ko yung atensyon niya, tapos ako na yung kusang kakanta,” saad ko bago ngumuso ng todo sa kanila— tamang paawa lang para maawa sila.
BINABASA MO ANG
The Pretender
Romance- Completed. She's Aya Fenchen, an addle-brained and old-fashioned woman. She lives a peaceful life, but not until she meets Eaze. The famous idol who set her on a contract for being his girl, a contract that she can't refuse for a lifetime for some...
