Aya’s pov.
“He doesn’t want to talk to me,” I said, then formed my lips into pouts. Baby Zeyan suddenly patted my head and chuckled at herself.
“Mas umaakto na ngayon si moome na bata kesa sakin,” saad niya, kaya naman mas lalo akong napanguso.
Bago gumawi ang aking tingin sa kadarating lang na si Maya, agaran nyang inilapag sa aking harapan at kay Zeyan yung gatas na itinimpla niya kanina.
“Maybe he’s still mad at you because of what happened last time. Anyway, it’s my fault. I’m sincerely sorry for my apologies last time. Should I make an effort to do it again?” seryosong tanong sakin ni Maya, kaya naman napaangat ako ng husto ng tingin sa kanya.
Umayos ako ng pagkakaupo bago agarang ininom yung gatas na nasa baso— bigay niya. After noon, napatayo rin ako upang pantayan siya, bago pinitik ng marahan ang kanyang noo at muli ulit napaupo.
She was looking at me with that confused and shocked expression on her face.
“Enough with your sorry, desisyon ko yun,” saad ko sa nginangata niya kanina. Alam ko namang gusto nyang puntuhin yung tungkol sa desisyon ko na mukhang hindi nagustuhan ni Eaze.
“Anong gagawin mo ngayon? May plano ka ba?” seryoso nyang tanong sakin.
To be honest, hindi ko rin alam yung sagot doon— I hesitated to myself, kaya naman napakibit-balikat na lamang ako kay Maya.
Kailangan ko pa bang magplano? Knowing na lahat ng bagay na ginagawan ko ng plano noon, kung hindi palpak— wala rin namang magandang kinalalabasan. Pero kailangan ko ring mag-effort sa kanya, dahil kung tutuusin, simula una halos siya lang yung nag-effort sa aming dalawa.
“Walaaaa akong maisip…” saad ko bago muling napahilata ng yuko sa mesa namin. I just heard both of them chuckle at me.
“How about you give daade a flower, moome?” suggestion ni Zeyan sakin, kaya medyo umangat ang aking ulo sa pagkakayuko at bahagyang bumaling sa kanya.
“Ano yun, liligawan ko siya? Baka naman magmukhang bakla d’yan ang daade mo, baby.” I just can’t imagine myself na ginagawa yung bagay na yun. Baka imbes na si Eaze ang kiligin, ako pa yung mangisay sa harap niya habang hinahampas yung mga bulaklak sa pagmumukha niya.
“How about chocolate, moome?” muli nyang suggestion sakin.
Chocolate? Pwede rin, ang kaso… “Marami ng natatanggap na ganyan yung daade mo, baby. Baka yung atin hindi niya na rin ma-appreciate pa,” muli kong saad bago napanguso ng akin.
“Give him a kiss.”
“Baka bigla syang magulat sa ganong bagay, baby, at masuntok na lang rin ako sa nguso.”
“How about a hug, moome?”
“Baka itulak lang ako non, baby.”
“Puro ka ‘baka,’ you should try it, moome,” Zeyan said to me, na tila napipikon na sa pambabara ko sa kanya. Naka-cross arms na kasi, tapos naka-pout na rin sakin.
Napahagikgik naman ng tawa si Maya dahil doon, sabay lapit kay Zeyan upang haplusin ang ulo nito’t pakalmahin.
“Calm yourself, baby Zeyan. Dapat habaan natin ang pasensya natin lalo na pagdating sa pakikipag-usap sa mama mo— alam mo naman diba kung bakit? Tayo nag-iisip pero ang mama mo walang isip,” saad nito bago agarang tumawa sakin nang tuunan ko siya ng tila isang masamang titig. Sinang-ayunan din siya ni Zeyan about that.
“Mag-suggests ka rin kaya, hindi yung tinatawa-tawanan mo lang ako,” reklamo ko sa kanya bago napanguso ng akin.
“Dress up and meet him.”
BINABASA MO ANG
The Pretender
Romance- Completed. She's Aya Fenchen, an addle-brained and old-fashioned woman. She lives a peaceful life, but not until she meets Eaze. The famous idol who set her on a contract for being his girl, a contract that she can't refuse for a lifetime for some...
