𝐂𝗁𝖺𝗉𝗍𝖾𝗋 41

1.6K 187 19
                                        

Aya’s pov.

Sandali akong natigilan at tila natulala na lamang ngayon sa presensyang aking nakita sa loob ng aming tahanan.

“Pa?…” alanganin kong pagtawag sa kanya.

Bumaling siya sa akin ng tingin— alam kong lasing siya dahil sa itsura nyang sabog at medyo namumula na rin.

Napabaling ako ng tingin sa hawak nyang alak. Hanggang ngayon, hindi niya pa rin matanggap ang lahat, kaya dinadaan na lamang niya sa paglalasing.

Hindi na siya tulad ng dati. Ang kanyang pangangatawan? Halos marami na ring nagbago— mas namayat siya’t kumulubot na rin ang kanyang balat. Tumatanda na si Papa nang hindi man lang namin namamalayan.

Umuuwi lang kasi siya kung kailan niya gustuhin.

“Sino ka? Bakit bigla-bigla ka ditong pumapasok?” wika niya sa akin, na tila ba hindi ako makilala.

Pilit akong napangiti dahil sa sinabi ni Papa bago lumandas sa kanyang gawi.

“Pa, si Aya po ako— ang anak n’yo.” Ang bigat banggitin, ngunit ang gaan sa pakiramdam, sabihin yung mga salitang binitawan ko.

Thinking na kahit papaano, kung hindi niya kami matawag bilang anak niya, ay kaya naman naming sabihin.

“Hija, ang galing mo naman mag-good time. Kung prank ’yan, sabihin mo agad. Hindi maganda sa akin ang mabigla.” Napakagat-labi ako dahil sa sinabi niya.

Pinipigilan ko ang sarili kong umiyak, pero hindi ko nagawa.

“Anak n’yo po ako…” muli kong wika sa kanya.

Kasunod niyon ang tila luhang bigla na lamang nahulog mula sa aking mga mata. Hindi ko na nagawang pigilan ang aking sarili.

“Ano ka ba namang bata ka, wala pa kaming anak ni Aima. Pero kung meron man, ang masasabi ko lang… parang magiging kamukha mo rin siya.” wika niya sa akin.

He just mentioned our mom.

Agad kong hinawakan ang kanyang magkabilang kamay at inalis iyon mula sa pagkakahawak niya sa bote ng kanyang alak.

“Pa, tama na po— nasasaktan na po kami. Ako at si Maya, nangungulila na rin po kami sa inyong pagkalinga sa amin.”

“Tingnan mo nga naman, kapangalan n’yo pa ang magiging anak namin kung sakaling maging buntis man si mahal.”

“Pa…”

Napahagulgol na ako sa iyak habang nakahawak pa rin sa kanyang magkabilang kamay. Hindi ko maintindihan si Papa. Bakit niya ba ito ginagawa? Patuloy niya kaming sinasaktan— bukod sa sarili niya.

Mula sa pagkakabaling ng tingin sa kanyang kamay, wala sa wisyong napaangat ako ng tingin sa kanyang mukha nang tila marinig ang kanyang mahinang pag-iyak.

“Hindi ko pa rin matanggap ang pagkawala niya. Mahal na mahal ko siya pero wala akong nagawa. Sa labis na hinanakit na aking dinamdam, nakalimutan ko na kayong alagaan at gawin ang aking parte bilang ama n’yo.” wika nito sa akin bago marahang hinimas ang aking buhok.

“Pa?...”

“Marami akong pagkukulang na halos hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapunan sa inyo.”

Napakagat-labi ako dahil sa mga binitawang salita ni Papa.

Halos hindi matanggap ng sistema ko ang kanyang mga binitawang salita dahil sa labis na emosyon na aking nadarama.

Masakit mang tanggapin, ngunit kailangan naming imulat ang aming mga sarili sa katotohanan na wala na nga talaga si Mama.

“Patawarin n’yo kami, Pa. Kasalanan namin kung bakit nawala si Mama,” wika ko sa kanya. Ngunit niyakap niya lang ako bago marahang hinagod ang aking likod upang ako’y pakalmahin.

The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon