Aya's pov.
What just happened? Para akong wala sa sarili- nakatulala na lang ngayon sa taong nakatayo sa aking harapan, trying so hard to make me calm.
"Aya?" tawag nito sa aking pangalan na tila ba puno ng pag-aalala ang tono ng kanyang boses, nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit.
"Zhe..." wala sa wisyong pagtawag ko sa kanyang pangalan bago napayakap na lang rin sa kanya.
Ramdam ko ang tila takot sa aking buong pagkatao, at bahagyang paggilid na rin ng aking luha na tila nagbabadyang lumabas mula sa aking mga mata.
"Don't be scared, I'm here now," wika sa akin ni Zhe- na sana narinig ko rin kay Eaze, pero hindi. He let me down.
Pagkatapos na pagkatapos pa lamang ng interview sa amin kanina, ramdam ko na tila ba may mali- yung trato niya sa akin, ang lamig.
Eaze left me alone. He dropped me off here, in the middle of the unknown road- hindi ko alam kung saan pupunta, tatawag ba ako ng masasakyan? Kahit wala akong pera.
I decided na tahakin na lang rin yung daan na ginawi ng sasakyan niya. I don't even know what's with him- nagawa niya akong sigawan. Kaya sinagot ko rin siya, na tila ba hindi niya nagustuhan, kaya iniwan niya na lang ako kung saan, being unsafe.
Wala akong mahingan ng tulong dahil naiwan ko rin yung phone ko sa sasakyan niya. Nagbabakasakali na lang ako ng awa sa iba, pero hindi yun ang natanggap ko mula sa kanila.
Mula sa tila walang humpay kong paglalakad, makauwi lamang, ay may sasakyang tumigil sa aking gilid lamang- asking if kailangan ko ng tulong.
Akala ko tutulungan niya akong talaga, pero hindi- sinubukan niya lang akong molestyahin. He forced me to do something for him, pero hindi siya nagtagumpay dahil nakagawa agad ako ng paraan para agarang makatakas sa kanya.
Pwersahan kong sinipa ang kanyang alaga na nagdulot ng sobrang sakit upang kanya itong indahin ng husto. Sinubukan niya pa akong habulin but luckily, Zhe suddenly came up and saved me from him.
Bugbog sarado na yung lalaki bago siya agarang nagtungo sa akin. But after that, tinawagan niya na rin si Ate Jaze para i-report ang nangyari.
"Bakit ba patuloy niya akong laging sinasaktan?" pagtukoy ko sa sakit na aking nararamdaman ngayon.
Bahagya lamang akong hinaplos ni Zhe sa likod upang pakalmahin pa, bago inayos yung jacket nyang pinang-cover sa akin kanina.
Mukha na kasing binaboy yung damit kong suot ngayon, dahil sa mga marahas na paghatak sa akin nung lalaki kanina. Nawasak na rin ang ilang bahagi nito.
Agaran akong inalalayan ni Zhe tungo sa kanyang sasakyan para ihatid na.
Habang nasa biyahe, tila wala pa rin ako sa sariling ulirat dahil sa sari-saring isipin na tumatakbo ngayon sa aking isipan.
I just can't accept na mangyari yun sa akin kanina- it was hurt knowing na si Eaze din yung may kasalanan kung bakit yun nangyari sa akin. I thought he cared about me now.
Akala ko importante din ako sa kanya. Nakalimutan ko, kaya pala gano'n- kasi may kontrata kaming dalawa.
He was nice and kind sa akin dahil yun ang role niya. Doon siya magaling- yung acting niya para paniwalain yung iba? Mas napaniwala ata ako, kaya ngayon ako yung mas nagmukhang tanga.
Napabaling ang aking tingin sa kamay ni Zhe na biglang lumandas sa harap ko't tila may hawak na panyo.
"Take it." Inaabot niya yun sa akin kaya naman napabaling ang tingin ko sa kanya bago tumango at tinanggap yun.
BINABASA MO ANG
The Pretender
Romance- Completed. She's Aya Fenchen, an addle-brained and old-fashioned woman. She lives a peaceful life, but not until she meets Eaze. The famous idol who set her on a contract for being his girl, a contract that she can't refuse for a lifetime for some...
