Ferrie’s pov.
“Unggoy...”
Seriously? Isa akog sikat na artista— may titulo sa pangalan. Tapos tatawagin niya lang akong unggoy? I’m talking about this bullshit guy, Zhe’kin. Or Chicken.
Whatever his name is, iisa lang rin naman ang tunog— tunog manok. Because of what happened back then, ng dahil sa pagkatalo ko sa bwesit na larong Jack n’ Poy na mismong si Aya o yung bwesit na manang din na ’yon ang nagpalaro.
Ang maganda kong pangalan ay nadungisan na.
“Unggoy, saan ka pupunta?”
Sandali akong natigilan mula sa aking pagtahak sa hallway papuntang second floor, nang dahil sa sobrang inis na rin, kaya agaran ko syang hinarap.
“Can you please stop calling me that weird callsign? Dahil sa pagkakaalaala ko, hindi naman tayo close, Mr. Chicken,” singhal ko sa kanya. Kundi hindi si Aya, ito namang manok na ’to— may mga lahi silang hibang.
“Saan ka nga?”
“I’m following someone,” saad ko sa kanya bago napalinga-linga sa paligid upang hanapin kung nasan na yung taong sinusundan ko kanina.
She’s back. I’m talking about that person na sumira ng buhay ko. Eaze doesn’t know about her.
Isa syang hibang na walang ginawa kundi ang sirain din ang bawat taong didikit kay Eaze. Tanda ko pa ang huling encounter ko sa kanya before— she sent me a gift, regalong may laman na mga nabubulok na daga na inu-uod, na kasama ang aking litratro.
Because of her, napalipat at napaalis din ako ng bansa. Noon, halos hindi ko pa malaman-laman kung bakit niya nga ba ’yon ginagawa— kung isa din ba siya sa mga haters and bashers ko, pero hindi.
Simula ng layuan ko si Eaze noon, bigla na lang din syang nawala.
Natigil din ang pagpapadala sa akin ng kung anu-anong regalo. And then I just figure it out— na pinupuntirya niya ako tuwing lumalapit ako kay Eaze. And now? Kasama na sa laro niya si Aya.
To be honest, una pa lang, ako lang talaga ang target niya, since ako lang naman yung lumalapit-lapit kay Eaze. But now, it seems like dalawa na kami ni Aya.
I came back para bawiin ang dapat na sa akin. Natatakot man sa pwedeng mangyari sa akin, choice ko pa ring piliin ang taong mahal ko.
Now I’m back— and she did as well. Hindi ko alam kung anong laro ulit ang tumatakbo sa utak niya after what she did to me last time, na kung saan napilitan akong mag-stay sa ibang bansa.
She’s after us now, or more on kay Aya. I pity that woman now. Kaya lang naman talaga siya nasa ganitong position, because Eaze used her to cover up my—
“Putangina naman,” wala sa ulirat kong wika sa aking sarili, nang bigla akong kalabitin ng aking hinayupak na katabi.
He’s still here?
“You forgot my presence. Kanina pa kita tinatawag. Lumalagi ka na sa basement nitong hotel. Sabihin mo nga, ano ba talagang gagawin mo? At sino yung sinusundan mo?”
“Chickenputa, can you please stop? Masyado kang pakialamero— it’s my own business. Hindi mo kailangan makisawsaw,” inis na turan ko sa kanya habang napapamasid-masid din sa paligid.
Agaran ko syang tinalikuran at hinanap muli yung presensya ng taong sinusundan ko kanina, pero halos hindi ko na matukoy kung saan siya gumawi.
How come na nandito siya? Bukod doon, nagawa niya ring pumasok sa loob nitong restu-hotel. It seems like hindi gano’n kaganda ang security nitong hotel, dahil kahit hayop, nakakapasok pa rin.
BINABASA MO ANG
The Pretender
Romance- Completed. She's Aya Fenchen, an addle-brained and old-fashioned woman. She lives a peaceful life, but not until she meets Eaze. The famous idol who set her on a contract for being his girl, a contract that she can't refuse for a lifetime for some...
