Aya’s pov.
Eaze, Kian, and Zhe’kin left me here by myself. Naging busy sila kanina kaya naiwan akong mag-isa dito sa sarili kong table.
Sabi nila mag-enjoy daw ako sa party, but guess what? Ang party ng mayayaman? Hindi naman masaya. Mas masaya pa ata ang party sa aming baranggay kung saan lahat kasali. Kung may palaro, may papremyo.
Pero ito? Sayaw lang, dada, tapos payabangan, sabay inom ng tubig na may mga kulay na ewan— hindi naman ’yun Coke, Royal or Sprite. Kasi noong nag-try ako uminom kanina ng isa, lasang asukal na medyo may bahid ng kalawang.
Naduduling na ’ko kakalingon sa paligid, hinahanap ko si Eaze, Kian, at Zhe’kin. Alin man sa kanilang tatlo ang makita ko, magpapahatid na talaga ’ko palabas ng event na ’to.
Kaso...
“Ay haluh— sorry!” daing ko nang may mabangga ako sa aking harapan. Pagbaling ko ng tingin, yung hawak kong juice tumapon na pala sa kanya.
Binalot ako ng takot at kaba dahil sa ngyare— lalo na ngayon, dahil halos lahat ng atensyon ay napunta sa aming dawala.
Kahit yung tugtog kanina, nawala— napalitan ito ng samu’t saring bulungan sa paligid.
Sa damit niya pa lang ako nakatingin pero grabe na ang kaba ko. Noong umangat ako ng tingin upang salubungin ang kanyang mukha na alam kong galit na nakatingin sa akin, para akong pinako mula sa aking kinatatayuan.
Mala-anghel ang kanyang kagandahan.
“Napakaganda...” wala sa sarili kung saad, dala ng paghangang tingin sa kanya na kalaunan ay bigla ring naglaho.
“Didn’t you see me?!”
“H-Huh?”
“Fuck! Look what you’ve done!” iritado nyang saad, bago dinuro ang sarili nyang kasuotan.
Ang namumuti sa kagandahan nyang kasuotan kanina, ngayon ay nagmukha nang pasador— yung damit na wari mo’y ginamit panapal sa eng-eng ng taong may regla.
Bakit kasi kulay pula yung juice ko? Mukha tuloy regla.
“S-Sorry... hindi ko sinasadya,” I said, then wiped it off para medyo mawala sana yung mantsa. Kaso, lalo pa atang lumala.
Mas naghalo yung kulay niya sa gown nitong babae— mukha na syang kinuyumos na napkin.
“Seriously? Get your hands off on me!” Natinag ako sa kanyang sigaw.
Acceptable naman na reaction niya dahil sinira ko ang kanyang gabi ngayon.
“Sorry—”
Tinulak niya ako, at dahil nakadukwang ako ng bahagyang yuko sa damit niya, nawalan ako ng balanse at napasalampak sa sahig.
Nalagay ngayon ako sa alanganing sitwasyon.
Nahihiyang napasiyasat ako ng tingin sa paligid. Lumalakas na ang ilang mga bulungan ng taong nakakumpol sa amin.
Inayos ko ang aking sarili at agarang tumayo, sabay yuko ng bahagya sa harap niya upang ipakita ang aking pagpapakumbaba.
“Hindi ko... hindi ko sinasadya. Kung gusto mo, lalabhan ko na lang para sa’yo,” puno ng kaba kong saad sa kanya. Ramdam ko ang panginginig sa aking boses.
I heard her sarcastic chuckle at me. Umangat ng bahagya ang tingin ko sa kanyang mukha— sinalubong ko yung titig niya sa akin.
Nilalamon siya ng galit.
“Excuse me?” She pointed her pointing finger at my head, bago ito binigyang pwersa dahilan upang mapaatras ako.
“Lalabhan ng kagaya mong hampas-lupa? What are you talking about? Pinapatawa mo ba ko?”
BINABASA MO ANG
The Pretender
Romance- Completed. She's Aya Fenchen, an addle-brained and old-fashioned woman. She lives a peaceful life, but not until she meets Eaze. The famous idol who set her on a contract for being his girl, a contract that she can't refuse for a lifetime for some...
