𝐂𝗁𝖺𝗉𝗍𝖾𝗋 28

2.1K 195 79
                                        

Aya’s pov.

“Yung kahapon?—”

Napalandas at napaangat sa akin ng tingin si Ferrie na tila kanina pa nakatulala habang nakaupo dito sa isang bench malapit sa pool— at ’di kalayuan kung saan kami nahulog at nalunod kahapon.

“—hindi mo naman siguro ako tinulak, tama?” Bungad ko sa kanya nang tuluyan na akong makalapit.

Binalingan niya ako ng tingin na naiinis habang nakataas ang isa nyang kilay. “You’re crazy. Pinagbibintangan mo ba ’ko? And what made you think na gagawin ko ’yon? Nahulog din kaya ako kahapon after you fell.”

I know, hindi siya ’yung may gawa pero...

“Tama ka. After me. So pwedeng tinulak mo nga talaga ako?”

Araw ko ’to ngayon. Araw na kung saan ako naman ang mang-iinis sa kanya.

“What did you say?”

“You herd (heard) it well. Why butter (bother) ask me again?” Muli kong pang-aasar sa kanya, na parang epektibo naman dahil kitang-kita ko ngayon kung paano siya mainis.

“The fuck?! What the hell— of course not! Hindi kita tinulak! What made you think na tinulak kita, eh tinulak din naman ako? Kung itutulak man kita, tingin mo ba’t ako tatalon after that?”

“Siguro... dahil napikon ka sa ’kin. At para hindi ka mapagbintangan, tumalon ka rin.” Parang sasabog ako sa tawa nang makita rin ang sabog nyang mukha— hindi dahil sa galit, kundi dala ng pagkainis niya sa ’kin.

“Fuck! I would never do that thing! Bakit naman ako tatalon do’n?! Hindi ako hibang dahil hindi naman ako marunong lumangoy!” Singhal niya sa akin, na ikinatigil ko naman.

Like... seryoso ba siya? Walang halong biro?

“Hibang ka nga. Kung makapanlait ka sa suot ko kahapon, tapos ikaw— na todo swimsuit— ay hindi rin pala marunong lumangoy.”

“Bakit? ’Yung marunong lang ba lumangoy ang dapat na magswimsuit? It’s fashion—” She said, bago binalingan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

“—Sabagay, you’re an old-fashioned. Kaya wala ka talagang alam.” she added, then agaran na napatayo na tila aalis na dahil sa sobrang pagka-inis sa akin.

Since I had enough— wala na akong mapapala kundi ’yung singhal niya— tumigil na rin ako ng kusa sa pang-iinis sa kanya.

“Ferrie?”

“Ano?!” Naiiritang wika niya sa ’kin nang muli niya akong balingan ng tingin.

“Katulad nga ng sinabi mo, wala nga akong alam... kaya pwede bang turuan mo ’ko?”

Halos hindi makapaniwala nang titigan niya ako ngayon.

Bakit? May mali ba sa sinabi ko?

“The fuck? I won’t. It’s a hell no.”

“Dali na...”

“Ayoko!”

“Dali na kasi—” She suddenly cut my words nang sumenyas at itinaas niya sa akin ’yung kanyang kamay, kaya natigilan din ako.

“Cut the crap, Aya. I don’t want to waste such precious time of mine para lang sa ’yo. Let’s do something worth it bago matapos ’tong araw na ’to.”

“So, tuturuan mo nga ako?”

“I just said it— hindi, ayoko. So dream on, Bitch!”

“Nasa pool area tayo, wala sa beach”

The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon