𝐂𝗁𝖺𝗉𝗍𝖾𝗋 35

1.8K 210 44
                                        

Aya’s pov.

Zhenan Floavera, that was her name— Zeyan’s mom.

She was here with us also, dahil sinusundo na niya si baby Zeyan. Ang awkward lang ng dating kanina nang pagbuksan ko siya ng pintuan namin. Hindi ko alam kung ngingiti ba kami sa isa’t isa o ewan.

But since bisita pa rin siya, kaya inayunan ko siya ng maganda. Marunong naman kasi akong makisama nang ayos sa taong nakikisama din nang ayos.

Lately, halos nangangapa pa siya ng salitang bibitawan niya sa akin, ngunit pinangunahan niya ito sa paghingi ng tawad at dahilan about nga sa nangyaring alitan sa pagitan namin noon sa restaurant.

She did explain everything sa akin— hindi niya naman daw lubos naisin na magsimula ng gulo sa pagitan namin, sadyang nadala lang daw siya sa sitwasyon.

Naalala niya kasing muli ang pag-iwan sa kanya ng papa ni Zeyan. And since naikuwento na rin sa akin ito ng bata, kaya hindi na ako nahirapan pang unawain ang side ng pinapaliwanag niya.

“Sorry for the trouble.”

“Wala ’yon,” wika ko sa kanya nang maihatid ko na sila sa labasan nitong gate ng bahay ni Eaze.

Bumaling ako ng bahagyang tingin kay Zeyan na tila tahimik na ngumiti lang sa akin bago nagpaalam at agad na ring tumungo sa loob ng kanilang sasakyan.

“No— gusto kitang pasalamatan sa pag-aalaga sa anak ko. Hope I can still bring her here,” she said na tila nasa alanganin pa.

Ngumiti lamang ako sa kanya upang ipabatid na ayos lang naman sa akin na nandito si baby Zeyan.

“You can bring her here anytime,” wika ko sa kanya. Mas mabuti na ring makipag-close-up ako sa kanya, para naman kahit papaano ay magkaroon na ako ng kaibigan ngayon dito.

“I’m so glad to hear that, friend. Masyado kasing maraming trabahong dumating ngayon na kailangan kong harapin— thanks to you, I can handle it nicely now,” wika nito sa akin bago sumilay ang tila ngiti niya sa labi at umakmang yakapin ako, kaya naman yumakap din ako pabalik sa kanya.

Mas mabuti na sigurong tinatanggap ko ang mga bagay at taong dumadating ngayon sa akin. Dahil bukod sa masyado nang malaki ang mundong kinagagalawan ko, ay magiging parte na rin sila ng bagong mundong pinasok ko.

Mahirap mangapa mag-isa, kaya kailangan ko talaga munang umasa sa iba.

“Pano ba ’yan, mauna na kami,” wika niya nang humiwalay agad sa yakap sa akin. Tumango na lamang ako sa kanya bago nagpaalam na rin. Nang tila hindi ko na matanaw ang kanilang sinasakyan, ay agad na akong nagtungo sa looban— isasara ko na sana ang gate nang may biglang pumigil rito kaya wala sa wisyong natigilan rin ako.

Ganoon na lang ang aking tila kunot-noo dahil sa taka nang balingan ko nang husto ang harap ng gate at makita ko kung sino ang bumungad sa akin.

“Anong ginagawa mo dito?”

It’s Ferrie.

“I’m bored. Let me in,” wika nito bago agad na gumawi at nilagpasan lang ako, kaya naman ganoon na lang rin ang pagtataka ko sa kanyang ikinilos.

Alam na ba niya yung daan tungo sa bahay?

Para kasing sa kilos niya, nakapunta na siya rito kaya hindi na siya nag-abala pang tanungin ako kung saan ang gawi ng papasok. Pero sa halip na pansinin? Isinawalang-bahala ko na rin bago tuluyan nang isasara ang aming gate nang mapahinto muli dahil sa isang puting kahon na nakaagaw ng pansin sa akin.

Agad akong gumawi at kinuha iyon. Isang puting kahon ng regalo— na hindi ko matukoy kung anong nilalaman dahil sa sobrang pagkakabalot nito, kaya naman napagdesisyunan kong sa loob ko na lang ito bubuksan.

The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon