𝐂𝗁𝖺𝗉𝗍𝖾𝗋 62

1.3K 128 4
                                        

Aya’s pov.

As if naman paniniwalaan ko siya. Hindi ako tanga— isa syang hangal.

I’m bothered because of what I saw last time. Gusto kong masagot ang sarili kong katanungan kung bakit may gano’n sa likod ng teddy bear ni Zeyan.

Hindi naman pwedeng yung bata ang naglagay no’n doon dahil kung tutuusin, para pa rin syang walang muwang— kaya gusto kong tanungin si Zhenan about it, pero hindi ko naman siya ma-contact.

Even Zeyan, hindi din niya alam kung nasaan ba ang kanyang mama— kaya nag-decide akong komportahin na lang siya mismo sa kanilang bahay.

Because of that? Halos hindi ako makaalis ng ayos ngayon dahil napa-away pa ako dito kay manong driver na sinakyan ko.

“Manong, 100 pesos po ang pera ko kaya dapat suklian n’yo ako ng 80 pesos,” saad ko bago agarang inilahad sa kanya ang aking kamay, pero tinabig niya ’yon.

“Hindi maaari. Sa layo nitong pinuntahan mo, hindi pwedeng bente lamang ang bayad. Mahigit kalahating oras akong nagpedal!” singhal niya sa akin— ang galing nyang gumawa ng kuwento.

Pero hindi niya ako maloloko, kasi hindi talaga ako papayag.

“Manong, limang kanto lang po ito. Bukod doon, bente lang naman po talaga ang bayad sa pagsakay,” pagmamaktol ko sa kanya.

Kailangan ko talaga ’yong sukli na ’yon dahil wala na akong perang pabalik.

Kung mayaman lang ako, tingin niya ba kukunin ko pa ’yon sa kanya? Gipit rin kasi ako’t nangangailangan ng pera, pero kung hindi? Hindi ko na rin siguro kukunin sa kanya ’yung sukli sabay bitaw pa ng sosyal na linyahan na...

“Keep the change.”

Wala sa wisyo kong biglang napaangat ang aking tingin at lumanding kung saan nagmula yung salitang bibitawan sana ng isip ko— at bumungad agad sa akin si Tris.

Ang lapad ng ngiti niya nang salubungin niya ang titig ko. Akala mo crocodile na nakangiti.

“Abah, ijo, wala akong balak at mas lalong hindi ko binebenta itong bike ko,” tugon sa kanya ni manong, kaya naman medyo natawa pa ako— palaban talaga si manong, ayaw magpatalo pagdating sa sumbatan.

“Wala rin po akong balak bilhin yang bike n’yo,” maangas na wika ni Tris kay manong, kaya naman nasiko ko siya ng bahagya— grabe siya kung sumupla, dinaig pa niya ako.

Napangiti ako kay manong bago agad na hinigit ’yung kamay ni Tris palayo at hinablot na rin ’yung hawak nyang pera na isang libo.

“Okay na manong, sa inyo na po ’yung sukli. Hindi na ako aapela pa,” wika ko bago pinauna nang umalis si kuya driver.

Since nakuha na ni manong ’yung isang daan ko, ako naman ’yung kukuha sa isang libo nitong isa.

Bumaling ako ng bahagyang tingin kay Tris bago ngumiti nang sobrang lapad at itinaas ’yung hawak kong pera niya.

Sa akin na ’to, ha?” wika ko bago tuluyang aalis sana— ang kaso, bigla niya akong pinigilan sa pamamagitan ng paghigit ng bahagya sa kwelyo ko.

Para tuloy akong sinakal ng sarili kong damit— tapos paatras na lumakad palapit sa gawi niya.

“Bakit?” I asked suddenly out of curiosity, bago agad inayos ang sarili at tinabig ng bahagya ’yung kamay niya sa aking kwelyo.

“What are you doing?” Napakunot-noo ako nang husto nang balingan ko siya ng tingin.

“Huh? Aalis?” patanong kong wika sa kanya, tila hindi ko maintindihan ’yung tanong niya.

Nagsalubong ang kanyang kilay dahil doon sa sinabi ko. Mukhang hindi kami nagkakaintindihan.

The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon