𝐂𝗁𝖺𝗉𝗍𝖾𝗋 42

1.6K 188 22
                                        

Aya’s pov.

I want to fix it now. Hindi pa naman siguro huli ang lahat para magpakumbaba kami sa isa’t isa, right? Gusto ko nang humingi ng sorry sa kanya— pangungunahan ko na, since parang wala din naman syang balak manguna.

About doon sa naging problema? Pareho rin naman kaming may kasalanan kung tutuusin. Hindi kami naging mas open pa sa isa’t isa nang ayos kaya hindi talaga maiwasang may magkamali sa amin.

Pinatawad ko na rin siya doon sa kasalanang hindi niya alam. I’m talking about that thing happened to me nang iwan niya ’ko kung saan.

Light lang ang mood ko ngayong araw. I feel blessed with so much happiness— siguro dahil natulungan ko na rin finally ang aking kapatid. Because of his contract deal with me, nagkaroon ako ng perang pang-opera kay Maya.

I decided na suprisehin siya ngayong araw. Wala akong balitang natanggap mula sa kanya after ng away namin— wala syang update sa akin kaya inisip kong baka marami na naman syang ginagawa.

Nagdala ako ng kanyang makakain para naman magkaroon siya ng kunting oras ng pahinga at makahingi na rin ako ng tawad.

Habang tinatahak ang daan tungo sa opisina niya, para akong binabalot ng takot sa sobrang kaba ngayon. Thinking na after kong humingi ng tawad sa kanya, dapat na rin ba akong umamin? Feeling ko kasi malapit na ring matapos ang kontrata namin.

Natatakot ako sa magiging resulta ng lahat.

Nakatayo na ’ko ngayon sa labas ng pintuan ng kanyang opisina.

Napahigpit ang aking hawak sa baunan na may pagkaing dala. Kakatok na sana ako pero natigilan rin nang maisip kong dapat ko syang suprisehin.

Ngunit sa kusang pagbukas ko pa lang ng pintuan ng kanyang opisina, bigla na lang nawala ang ngiti ko sa aking labi kanina.

Mukhang ako ata yung nasurpresa.

“Eaze...” Wala sa wisyong pagtawag ko sa kanyang pangalan nang makita ko silang dalawa ni Ferrie na naghahalikan.

Bigla silang natigilan at tila gulat na napagawi ng tingin sa akin.

“A-Aya...” tawag pansin sa akin ni Eaze ngunit hindi ko siya pinansin— mas nakatuon kasi ang aking tingin kay Ferrie.

She was looking at me straight into my eye, feeling proud because of what they did— na na-witness-an ko.

“May pasalubong akong pagkain sa ’yo, pero parang busog ka na ata sa inyong kinakain,” sarkastiko kong pagkakasabi bago lumihis ng tingin kay Eaze na puno ng panlalamig.

“Aya...”

“Uwi ko na lang siguro ’to, since wala akong makitang dahilan para maging deserve mo ’to,” wika ko bago tila wala sa sariling umalis na lamang doon.

Hindi ko sila matagalang titigan, dahil para akong bombang unti-unti nang sasabog dahil sa sakit ng surpresa’ng ibinigay at ipinaramdam nila sa akin.

I feel betrayed by them.

___

It hurts. Umasa ako sa ilang mga bagay na halos hindi naman nangyari.

Umasa akong hahabulin niya ’ko’t susubukang ipaliwanag ang nangyari— ngunit hindi. Hinayaan niya akong umalis habang dinadala yung sakit ng aking nakita.

“Kontrata lang ba talaga ang tingin niya sa ’kin?” wala sa wisyong tanong ko sa aking sarili, na sinagot naman ni Zhenan.

“Maybe? I can’t tell.”

I’m with her having a not-that-good time sa mismong bar place niya. Hindi ko pwedeng ilabas ang mga hinanakit ko tungkol sa kontrata ni Eaze kay Maya—baka masaktan lang siya knowing na nasasaktan ako ng dahil doon sa trabahong pinasok ko para lang sa kanya.

The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon