𝐂𝗁𝖺𝗉𝗍𝖾𝗋 60

1.4K 135 5
                                        

Ferrie’s pov.

“As you can see— this is the latest update of your ratings. Your new song got the top rate on global music,” bungad na pag-uusap agad nila Jaze and Eaze— ayon sa narinig ko nang makapasok ako sa kanilang opisina.

Naputol ang kanilang pag-uusap nang tila makuha ko ang kanilang atensyon dahil sa aking pagpasok. Ngumiti ako ng pasimple sa kanila.

Tinitigan lang naman ako ni Eaze, habang yung isa, pasimple namang napairap sa akin— this bitch again.

“Maybe I should leave,” ani Jaze.

“You should finish your word first, para hindi na paulit-ulit,” tugon naman ni Eaze kaya muling bumaling ng tingin sa ’kin si Jaze.

Ok fine— ako na yung mag-aadjust.

“Don’t mind me, maghihintay ako,” wika ko na ikinatango bahagya ni Jaze, habang si Eaze ay nanatiling walang tugon sa ’kin. Kaya naman kusa na akong umupo sa sofa.

“Since nasa magandang usapin pa ngayon ang bago n’yong inilabas na kanta with the title of—” Sandaling napasulyap ng tingin sa ’kin si Jaze kaya napakunot-noo ako nang magtama ang aming mga paningin, bago umukit sa kanyang labi ang tila pilyong ngiti, “—Choose Her, Not Her. As the leader of BP’s, you should show your gratitude for your BP’s supporters for supporting your song,” wika nito bago tuluyan nang humarap ng ayos kay Eaze.

Choose Her, Not Her— bagong labas na kanta ’to nila Eaze tungkol sa personalidad ng isang tao, kung saan ipinapakita sa kanta na dapat mo daw piliin kung sino ka— choose yourself— hindi ’yung kung anong gusto ng ibang tao na maging sino ka.

You’ve been wondering siguro kung bakit magulo yung pamagat. It’s simple: as I said, nagre-reflect ito sa personalidad ng isang tao. Yung pamagat naman nag-stand sa magulong desisyon ng taong ’yon— parang nakareflect yung sarili niya sa harap ng salamin, na kung saan sinasabi sa kanya ng repleksyon niya na ‘Choose her,’ your real self, ‘not her,’ your reflection in the mirror.

Pero sa banggit ngayon ni Jaze na parang ipinamumukha sa ’kin na yung pamagat ay para sa ’min ni Aya— which is Eaze should choose Aya, not me— ay nakakaputangina lang.

“Sure. Inform Kian and Zhe about it.”

“I will check your schedule apportionment. Aayusin ko muna siguro para maisingit yung schedule na ’yon. Anyway, I will just inform you,” saad ni Jaze kay Eaze bago tuluyang nagpaalam.

Kaya naman inayos ko na ang aking sarili nang bumaling na sa ’kin ng tingin si Eaze pagkatapos lumabas ni Jaze.

“What brings you here?” Curiosity was written on his face.

“Let’s celebrate.”

___

“Anong gusto mong kainin? Lulutuan kita,” saad ko sa kanya.

Mas pinili kong sa bahay ko na lang kaming dalawa magtungo kaysa kumain sa labas— gusto kong paglutuan siya, para mas maging effort na rin sa date naming dalawa ngayon.

“As I told you— you don’t need to. Kung sa labas na lang sana tayo kumain, hindi ka na mahihirapan pa,” wika niya bago medyo in-unbutton yung white polo niya.

Gumawi siya banda sa ’kin, bago nahinto mismo sa harapan ko at tinitigan ako ng maigi mula sa aking mga mata— ng seryoso.

“Don’t waste your time— lalo na kung para sa ’kin,” saad niya bago hinawakan ako sa magkabila kong balikat kaya napatuon ang aking pansin doon— iginilid niya ako.

Napakunot-noo ako dahil sa labis na pagtataka sa kanyang iginawi at sinabi sa ’kin, pero isinawalang-bahala ko na lang rin.

May dapat kaming i-celebrate. Ayokong makipag-away or mag-drama ngayon sa kanya.

The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon