𝐂𝗁𝖺𝗉𝗍𝖾𝗋 56

1.6K 170 22
                                        

Aya’s pov.

He’s a pretender. Gagawin niya ang lahat para makuha ang loob mo’t paglaruan kang muli.

Don’t trust his words again.

“Moome!”

Wala sa wisyo kong bigla akong natauhan at walang ano-ano’y napaiktad na rin sa kama, dala ng gulat sa biglang pagsigaw at pagtawag sa akin ni Zeyan.

Halos wala pa rin akong sariling ulirat o wisyo. I feel dizzy— inaantok pa ’ko.

Anong oras na ba ako nakauwi kagabi? Dahil sa sarili ko ring kagagahan. May biglaang lakad si Zhenan kagabi kaya ’yung plinano namin noong gabi, hindi na rin natuloy.

Mismong ’yung paghatid niya sa akin— since nagkusa na akong magsabi sa kanya na unahin niya muna ’yung bagay na dapat nyang intindihin kagabi. Total, malaki na ’ko, kaya ko nang umuwi mag-isa.

Ang kaso, nagsisi rin ako noon, kasi noong magpapara na ako ng taxi, bigla kong naalala— wala pala akong pera.

Kaya ang ending, naglakad ako pauwi sa amin.

“Baby?...” takang tanong ko sa kanya habang kinukusot bahagya ang aking mga mata.

Inaantok pa rin talaga ako.

“Moome, someone’s waiting for you. He’s outside.”

Napamulagat ako bago tila puno ng kuryosidad na binalingan ng tingin si Zeyan.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. ’Yung utak ko biglang nagising.

“Sa akin?” muling pagkomperma ko sa kanyang sinabi.

Wala pa rin kasi ako sa wisyo— baka mali lang ako ng dinig, ngunit kinumpirma niya talaga ito.

“Opo, moome. He’s still here.”

He’s? — Lalaki?

Sino?

Hindi kaya si...

___

“Anong ginagawa mo dito?” puno ng sarkasmo kong bungad sa kanya— para akong nadismaya.

’Yung inasahan ko, hindi pala siya (talking about Eaze).

Funny, umaasa akong pupunta siya ngayon dito’t kikitain ako after ko syang sigawan kahapon. Pinamukha ko sa kanya ’yung sakit na patuloy ko pa ring nararamdaman, tapos ngayon umaasa ako sa presensya niya?

“As I told you, manliligaw ako,” wika ni Tris bago agarang inabot ang aking kamay, ngunit bigla ko iyong inilayo sa kanya.

Paano naman nalaman ng siraulong ito ang address ko?

“Hindi ako pumayag.”

“Pero pumayag naman ako, diba?”

Napabaling ang aking tingin sa gawi niya bago tinaasan siya ng isang kilay.

Siraulo ba siya?

’Yung sarili niya ’yung tinanong niya sa sarili nyang kahibangan. Anong ibig nyang sabihin? Pumayag syang ligawan ako? Bakit? Hiniling ko ba ’yon sa kanya?

“May baltik ka ba sa utak?”

“Wala, pero type kita.”

Tama nga ako— may baltik nga siya sa utak.

“Tinatanong ko ba?”

“Hindi, gusto ko lang sabihin para ma-feel mo naman na grateful ka.”

Katulad din siya ng ibang kakilala ko— parehas, may saltik sa utak, tapos puno pa ng kayabangan.

The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon