𝐂𝗁𝖺𝗉𝗍𝖾𝗋 72

1.4K 134 10
                                        

Aya’s pov.

“Aya, tulog ka?” Rinig kong wika ni Maya habang nakapikit ng husto ang aking mga mata— literal na tulog ako, naalimpungatan lang dahil sa kanya.

“Hoy, babaknok, tulog ka ba talaga? May ipapakita ako sa’yo, tingnan mo ’to,” dagdag pa nito kaya naman napamulat na lang rin ang aking mga mata at, tila inis, binigyang-pukaw siya ng tingin.

Seriously? May tililing ba sa utak itong kapatid ko? Nakikita niya naman seguro ang mapayapa kong paghiga habang nakapikit ang aking mga mata, right? That means tulog ako.

Tapos tatanungin niya kung tulog ba ako? Hibang ba siya?

“Oo, tulog, na ginising mo. Ano bang ipapakita mo?” saad ko sa kanya bago, tila wala sa wisyo, napabangon na lang rin ako at kinusot-kusot ang matang tila may muta pa, nang dumungaw ako sa cellphone nyang inilapit sa’kin.

Bigla akong napaayos ng aking sarili at, wala sa wisyo, natabig ang kanyang cellphone dahilan upang lumipad ito kung saan— noong bumungad sa’kin si Eaze.

“Putik! Anong ginagawa niyan dyan?”

“Omg, my Galaxy Z Fold5! Lumipad nang walang pakpak, bruhaaa! Hindi ko tinae yung pambili dyan!” gulat na tugon sa’kin ni Maya bago agarang dinampot yung cellphone nyang lumagapak sa sahig kanina. Luckily, walang basag.

Paglingon sa’kin ni Maya, bumungad yung tila gulat at may halong inis nyang mukha, na ikinangiti ko naman nang bahagya. “Sorry na, ikaw kasi—”

“Ako?” Her being confused about what I’ve said.

“Oo. Hindi ko pwedeng sisihin ang sarili ko kaya kasalanan mo. Ba’t mo kasi sa’kin pinapakita yang tukmol na ’yan? Can’t you see, ang sagwa ng itsura ko, may panis na laway at muta pa ko—”

She suddenly cut my words kaya halos hindi ko na lubos pang nasabi yung side ng paliwanag ko, nang manguna na syang magsalita.

“Hold on. Relax. Nakikita mo siya pero he can’t literally see you in person. Naka-view lang tayo sa live post niya,” wika niya bago agarang muling bumalik sa’kin upang ipakita muli yung nasa cellphone niya, ngunit pinigilan ko siya.

“Maya...”

“Just see this,” maamo nitong wika sa’kin bago agarang inilihis yung kamay kong nakapigil sa kanya.

Bakit ba gustong-gusto nyang ipakita sa’kin? She wasn’t sure na ikatutuwa ko ’yun.

It might ruin my day thoughts.

“Maya, alam mo naman na kailangan ko pa ng oras—” she suddenly cut my own words again nang bigla syang magsalita.

Why do I feel na parang natutulad na siya kay Kian? Mangka-hada with halong dugo ng sabatero/sabatera.

“Masyado nang maraming oras ang nasasayang, Aya. Don’t you think it’s time? Hanggang kailan ka ba magpla-plano? Don’t tell me yung plano mo ay lagi na lang about sa pagtakas, magtago, tumakbo, mag-isip nang mag-isip?” Turan sa’kin ni Maya habang seryosong nakatitig mula sa aking mga mata.

Halos hindi ko maiwasan yung pagtitig nyang ’yun, para tuloy akong nilalamon ng sarili kong konsensya.

“...”

“Hinahayaan mong lumipas yung oras nang wala ka man lang ginagawa? What if, sa sobrang pagpapalipas mo, yung mga bagay at tao sa paligid na hinayaan mong lumipas bigla na lang ring mawala, magbago, at maghanap ng iba? Lahat tayo sumasabay sa takbo ng oras at panahon— wag kang manatili sa linya, Aya. You should step and move forward to achieve something,” saad niya na nagbigay sa’kin ng isipin.

The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon