Aya’s pov.
“Anong ginagawa mo dito?” Sarkastiko kong wika sa kanya nang tila biglaang pasupresang bumungad ngayon sa ’kin ang kanyang presensya— dito mismo sa opisina ni Director Chang.
I’m talking about Eaze. Kasi normal lang naman na narito si Tris, pero si Eaze? Abnormal ’yon.
“Sorry for not telling you this, Ms. Fenchen— may kaunting pagbabago sa set-up ng story character, which is si Mr. Eaze na ang gaganap as leading instead of Mr. Vegou,” pagpapaliwanag sa ’kin ni Ms. Cha, ngunit tila hindi ’yon tinanggap ng sistema ng sarili kong utak.
“Siya?!” Wala sa wisyo kong tugon na tila may diin at pasigaw sa tono. 
Nakatitig ngayon sila sa ’kin nang husto, at tila hindi makapaniwala sa inasal ko— mismo ako, hindi rin makapaniwala sa ginawi ko.
Pilit akong natawa bago marahang napakamot sa ulo, to change the awkward feeling of the atmosphere between all of us. 
Bumaling ako ng tingin kay Ms. Cha bago bahagyang ngumiti nang sapilitan.
“Paano po si Tris? I mean, Mr. Vegou?”
“Now, you care about me,” singit ni Tris, pero hindi ko siya binigyang pansin kasi mukha syang singit.
“Since nagkaroon ng pagbabago sa mga gaganap dahil biglang pumayag si Mr. Eaze, ginawa na lang namin na second leading man si Mr. Vegou para hindi rin masayang ’yung pag-accept niya sa invitation natin.”
“Hindi pwede ’yon— I mean... mas nauna po si Mr. Vegou kaya dapat nating bigyang-halaga ’yon. Aside from that, mas nababagay rin sa kanya ’yung role.”
“Don’t you think Mr. Eaze is more suitable? I’m so sorry, Ms. Fenchen— pero ang desisyon ukol sa mga artistang gaganap as characters ng story mo ay galing mismo sa head office of directors. Kaya wala na tayong magagawa pa. Just be thankful na tinutulungan ka nila para mas makilala pa ang gawa mo with the help of Mr. Eaze and Mr. Vegou.”
’Yun na nga ’yung ayaw ko— ’yung makilala ako ng tao because of him (Talking about Eaze only).
If ever na makilala ang librong ginawa ko dahil sa kanya, ang pagiging misteryosong manunulat ko’y tuluyan nang masisira. 
Bukod doon? Baka mahalungkat na naman ’yung nakaraan sa pagitan naming dalawa at maging sanhi pa ng issue.
Napabaling ako ng tingin sa gawi ni Eaze. Gano’n na lamang ’yung kunot-noo ko nang masilayan ang tila pilyong ngiting nakaukit sa kanyang labi. Mukhang inasahan niya talaga ’tong mangyari.
“Wala na po bang ibang choice? Parang gusto ko na pong mag-back out.”
“B-Back out?!” gulat na tugon ni Ms. Cha doon sa joke kong hindi naman niya alam. 
Nilingon ko siya bago binigyan ng isang bahagyang ngiti upang inisin ’yung isa.
“You can’t, because we signed already,” singit ni Eaze na halos inasahan ko naman.
Seeing him like this? Parang gusto kong manakal ng hayop.
“It’s my decision. You should respect it,” pinanindigan ko na talaga ’yung joke sanang banat ko kanina. Why? Para mas lalo syang pikunin.
“Before saying it out loud, why don’t you apply it to yourself first? You didn’t even respect us either. We signed that contract of yours because you seemed sure enough— then back out in the middle of the deal with us? If you’re talking about us respecting you— fine. But you should know this: kapag pumayag kami sa gusto mong mangyari, then pay the consequence. Pay us.” Wika nito bago agarang tumayo mula sa pagkakaupo niya.
                                      
                                  
                                              BINABASA MO ANG
The Pretender
Romance- Completed. She's Aya Fenchen, an addle-brained and old-fashioned woman. She lives a peaceful life, but not until she meets Eaze. The famous idol who set her on a contract for being his girl, a contract that she can't refuse for a lifetime for some...
