𝐂𝗁𝖺𝗉𝗍𝖾𝗋 47

1.7K 189 17
                                        

Aya’s pov.

I can’t even believe na kaya ko palang muling magsimula ng akin. Tatlong taon na rin mahigit simula noong magdesisyon ako na dapat sigurong sarili ko muna ang piliin ko.

After that? Mas ginugol ko ang oras ko sa pamilya ko. Bukod don, nakalimutan ko na rin siya kahit papaano— pero yung sakit? Parang patuloy ko pa ring dinadala.

Masyado akong dinurog ng sarili kong damdamin sa kanya. And now? Pilit kong inaayos pa rin ang sarili ko.

After kasi ng break-up— what I mean, ng kontrata namin— halos binatikos ako ng lahat. Nawalan ako ng opportunities, kaya nahirapan akong makipagsapalaran ng akin.

Akala ko kapag natapos na, tatantanan na ’ko ng mga fans niya. Pero hindi eh. Patuloy lang nila akong sinira— hindi nila matanggap yung relasyon namin before because of that contract. Tapos ngayong wala na? Ako pa rin yung sinisisi nila.

Na-settle naman ng kompanya nila yung tungkol sa amin, kung paano kami nagkahiwalay. Pinalabas na lang nila na private reason daw, at ako yung nakipaghiwalay.

It’s a great thing, dahil kahit papaano may mukha pa akong maihaharap. Kasi biruin mo, isang dukha, mababa ang pinag-aralan, at halos walang narating sa buhay— ang may lakas ng loob na makipaghiwalay sa isang mayaman at sikat na tao.

Pero ang akala ko, magandang bagay na ’yon para sa’kin dahil hindi ako naging mukhang kawawa— ’yun pala, mas kakawawain pa ko.

Isang taon din akong naghirap at mas nasaktan pa lalo dahil sa mga salitang masasakit na binibitawan sa’kin ng iba, without knowing the truth. Sukong-suko na ako noon, pero hindi pwedeng huminto. Kailangan ko pa ring magpatuloy— hanggang sa dumating yung araw na unti-unti na ngang nakalimutan ng lahat yung mga nangyari sa’min before.

Now? Isa na akong senior journalist— naka-assign ako sa topic for travels. But since may tiwala sa kakayanan ko ang boss namin, gusto nyang turuan ko rin ang bago naming intern.

“Ate Aya!”

Maraming nagbago, hindi lang sa mundong kinagagalawan ko, pati na rin yung mga taong namumuhay at pilit na nakikisabay sa bagong yugto ng pagsubok sa pagbabago, na kung saan nabilang ako.

Sinalubong ng tila ngiti sa labi ako ng kapartner ko. She’s Dexe— our new worker na kailangan ko pang i-train pagdating sa field. But sad to say, hindi kami sa travel topic napunta.

Ang malas ko talaga dahil nakasama ko siya.

“Anong atin?!” Pabalik kong bungad sa kanya na halos pasigaw na rin. Hindi naman siya bingi, sadyang nakalunok lang talaga ako ng speaker kaya naka-high volume din sa copy cut.

“I just want to share this,” wika niya sa’kin bago agarang inilabas sa kanyang bag ang tila aklat. Napakunot-noo ako sa kanya habang hinihintay syang ipakita sa’kin yung ipapakita niya.

“Ano ’yan?”

“Story book,” wika niya sa’kin bago agad na binalandra sa’king harapan yung libro. Nang napabaling yung tingin ko don, husto akong natigilan.

Bakit? Dahil ipinapakita niya sa’kin yung librong mismong ako ang nagsulat.

“You should read this. Contract Between Us. Ang ganda ng storya— about ito sa one-sided love ng isang babae sa isang sikat na lalaki. Tragic yung story pero nakakatawa rin at the same time dahil sa POV ng bobitang bida.”

That story was not just written in imagination, kasi totoo itong nangyari— at mismong sa’kin nga. Nagsimula akong magsulat at maglahad ng sarili kong storya kasi wala akong pwedeng pagbalingan ng taong pwedeng sabihan tungkol sa kontratang nagaganap sa pagitan namin ni Eaze noon.

The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon