Aya’s pov.
“Is that a mirror selfie, Moome?”
“Hindi, baby.”
“How come, Moome? She looks just like you,” wika ni baby Zeyan habang hawak ang litrato bago ito agarang inabot at kinuha sa akin.
“She’s Maya, my twin,” pagtukoy ko doon sa larawan bago bahagyang napangiti.
Nasa kwarto ko kami ngayon habang si Eaze ay nag-iintindi sa baba— nagluluto para sa panggabihan namin.
Bakit?
Dahil parusa niya ’yun. After ko kasing mag-intindi sa kusina kanina, sa isang kunting talikod lang ay pagharap ko, bumungad agad silang dalawa sa akin ni Zeyan— parang mga mukhang puting maligno dahil sa harinang nilaro nila.
hindi ko pwedeng pagalitan si Zeyan, kaya siya yung pinagalitan ko— since kasalanan niya din naman talaga.
Pinaliguan ko na si Zeyan at ngayon pinupunasan ko na lang ang medyo basa nyang buhok. Since may dala din syang damit, hindi na ako nagkaproblema pa kanina na hanapan siya ng isusuot.
“How I wish I’d one sister too, or maybe a twin also.” Sa tono pa lang ng pananalita niya, ramdam ko na agad ang pagngungulila niya— ramdam ko yung lungkot na parang dinadala niya mag-isa.
I’m so curious about her reason, kaya hindi ko talaga mapigilang magtanong. “Bakit, baby?”
“I want someone who can be with me, play with me, since Mommy can’t spend time with me.” Mas lalo akong nakaramdam ng lungkot dahil sa sinabi niya.
Hindi ko kasi nais na malaman na sa murang edad pa lang niya, nakaranas na agad siya ng ganitong kalungkutan— ang maging mag-isa.
“Don’t be sad, baby. Nandito naman ako— kami ng daade mo,” wika ko sa kanya bago marahan syang hinaplos mula sa kanyang buhok.
Gumawi naman ito ng tingin sa akin bago agad akong niyakap ng mahigpit, kaya naman napayakap na rin ako sa kanya.
“You know what, Moome? I told my mom to bring me here and let me hang out with you. Without hesitation, she agreed. But if I ask her to hang out with me, it will always end up with a sorry.”
I can’t simply judge her mom because of that, dahil alam kong may rason kung bakit.
“Don’t be sad, baby. Katulad nga ng sabi ko— me and your daade will always be here with you. We can hang out together.”
“Buti pa kayo, Moome. We don’t have any blood connection, but you treat me nicely— unlike Mom.”
“You know what, baby, may dahilan ang Mommy mo kung bakit gano’n. Kailangan lang natin intindihin at unawain ng husto dahil para din naman sa’yo ang kanyang ginagawa.”
“Kahit na, Moome, she should at least spend time with me.”
Napatahimik na lang ako dahil sa sinabi ni Zeyan. Masyado nang nalulungkot ang batang ito.
“Don’t be sad, baby. You can spend time with us.”
“I know you’re busy as well, Moome— you and Daade. Alam ko pong may mga bagay pa kayong dapat gawin at laanan pa ng oras, pero binibigay niyo po ’yun sa akin.”
Agarang humiwalay sa pagkakayakap sa akin bago iniabot ang kanyang tablet kung saan nagsimula na syang mag-drawing.
“You know what, Moome? I’m so glad na nakilala ko kayo that time…”
Nanatili lang akong nakatulala habang nakadungaw ngayon sa kanyang ginagawa.
Nagdo-drawing siya ng tila mga tao na hindi ko matukoy.
BINABASA MO ANG
The Pretender
Romance- Completed. She's Aya Fenchen, an addle-brained and old-fashioned woman. She lives a peaceful life, but not until she meets Eaze. The famous idol who set her on a contract for being his girl, a contract that she can't refuse for a lifetime for some...
