Aya’s pov.
“Get your hands off her!”
I suddenly heard someone’s voice, at biglang lumuwag ang pagkakasakal sa akin ni Zhenan.
Napabaling ako ng tingin kung saan nagmula yung boses na ‘yon habang habol-hininga pa rin, and then I saw Zhe’kin running towards us bago agarang itinulak si Zhenan.
Dahilan upang tumalsik siya palayo sa akin— Zhe’kin suddenly threw his glance at me na tila nag-aalala, and same kay Ferrie na till now walang kibo dahil iniinda niya ang tama niya.
“Aya…” - Zhe’kin.
“Great timing. I almost killed her— anyway, since you’re now here, you should confess your sin to her,” galak na saad ni Zhenan sa amin, wari’y natutuwa siya sa mga nangyayari ngayon.
But the thing is, her words made me confused at something na hindi ko mawari.
“Zhenan, enough with this!” Zhe’kin said, being irritated at her. Kung umakto si Zhe’kin ngayon, para bang kilalang-kilala niya si Zhenan.
“I haven’t yet started, papunta pa lang tayo sa exciting part— anyway, watch this,” wika nito bago agarang iniangat ang hawak nyang patalim at itinutok iyon sa kanyang sarili.
Nagulantang kami doon sa binalak nyang gawin na wari’y sasaksakin niya ang kanyang sarili, ngunit hindi iyon ang totoong plano.
Binigyan niya lang kami ng bagay na mapagtutuunan namin ng pansin, dahil noong doon na kami pumukaw ng tingin at nalingat kami sandali, hindi namin namalayan ang kaliwang kamay ni Zhenan na nakadampot na pala ng isang malaking bato at agaran ‘yong binato sa gawi ni Zhe’kin.
Nagulat pa si Zhe’kin— halata namang hindi niya inasahan ‘yung ginawa ng isa, kaya tinamaan siya’t napatumba na lang nang bahagya nang tumama iyon sa noo niya.
Nakabaling ang aking tingin kay Zhe, na tila alalang-alala na rin dahil sa dugong biglang umawas sa kanyang noo— ngunit hindi ko man lang namalayan ang presensya ni Zhenan sa tabi ko.
Natukoy ko lang iyon nang maramdaman ang talas ng kanyang patalim mula sa aking leeg.
“Step back or I will slice her neck.”
Mula sa matalim na pagbabantang salita na ‘yon ni Zhenan, wala nang nagawa si Zhe kundi ang umatras ng bahagya palayo sa amin.
“Oh, you guys are now here,” natutuwa nitong turan, tila ba sinalubong ng kay tamis na ngiti sa labi ang presensya ngayon nila Eaze, na kakarating lang rin.
“So, about your sin story— should I start telling it now?” Takang tanong ni Zhenan, tila ba excited na kanya lang, habang sila Eaze, Maya, Kian, at Ate Jaze ay nagugulantang ngayon sa labis na pag-aalala nang makita nila kaming dalawa ni Ferrie na pawang mga naliligo na sa sarili naming mga dugo.
Nakakaramdam na rin ako ng panghihina— siguro dahil sa dugong nawala sa akin, kaya paano pa kaya si Ferrie? For sure mas nahihirapan siya kumpara sa akin.
“Once upon a time, there was a girl who dreamed nothing but to be with her Prince (talking about Eaze), but that dream prince of hers ay parang gago— because he dreamed also about his princess, which is not me. Yung prinsesang pinili niya ay yung prinsesang may nakaraan sa kanya, ngunit hindi siya maalala,” wika nito bago tila napadiin na ang pagkakatutok ng patalim niya sa aking leeg, kasi mas nararamdaman ko na ang talas ng dulo nito na bumabaon dito ng marahan.
“Zhenan, enough with it.” I suddenly heard Zhe’kin’s voice again, trying to stop Zhenan, pero halos wala rin namang nagawa.
“Fuck, just leave them behind and I will come with you,” saad naman ni Eaze, na ikinatigil ni Zhenan bago siya tinitigan ng seryoso, at walang ano-ano’y, bigla na lang ring tumawa.
BINABASA MO ANG
The Pretender
Romance- Completed. She's Aya Fenchen, an addle-brained and old-fashioned woman. She lives a peaceful life, but not until she meets Eaze. The famous idol who set her on a contract for being his girl, a contract that she can't refuse for a lifetime for some...
