𝐂𝗁𝖺𝗉𝗍𝖾𝗋 49

1.6K 184 19
                                        

Eaze’s pov.

It’s been 3 years, and we’re finally back here in the Philippines.

Bumalik ako hindi dahil sa problema ng kompanya. My companies are still stable and well— I’ve my own personal matter here na kailangan ko talagang ayusin sa lalong madaling panahon.

“Iba pa rin ang hangin sa Pinas,” bungad agad ni Kian bago bahagyang bumaling ng tingin sa paligid.

Palabas na kami ng plane.

“Your right, mas masarap singhapin ’yung simoy ng hangin dito sa Pinas kaysa sa amoy mong masangsang,” pangbabara sa kanya ni Zhe na ikina-ngiti ko naman ng bahagya.

Ngayon na lang ulit kami nagsama-sama ng ganito. After kasi naming lumipad sa America, nagkanya-kanya muna kami for solo peaceful vacation ng bawat isa.

Nagawa din naman naming mag-concert doon together, but after that? Mas pinili namin na mag-lay low na muna.

“You know what?” - Kian.

“What?” - Zhe’kin.

“Gago ka,” maangas na tugon sa kanya ni Kian bago binaba ang kanyang sunglasses.

Napabaling naman ako ng tingin kay Zhe na tila napasinghap na lang.

“Pull yourself together. Umayos kayo,” pagsita ko sa kanila na ikina-tango naman nila ng bahagya sa akin.

Maraming nagbago sa pakikisama namin sa isa’t isa. I don’t want to mention this, kasi baka nag-iisip lang rin ako ng aking sariling kahibangan, but Zhe’kin did change a lot.

He’s not the same person that I used to know before. Bigla na lang syang nanahimik at natutong magkimkim ng sarili— he doesn’t confront us at all. I tried to ask him if there’s something up, pero parang layo naman lagi ang mga sagot niya sa tanong ko.

Hanggang sa hinayaan ko na lang muna siya na magkaroon ng oras para sa sarili niya.

Noong makalabas na kami sa airport, sinalubong agad kami ng mga tagahanga namin. Inayos ko lamang ang suot kong sombrero bago tumugon ng pagkaway sa kanila, and same thing din naman sa dalawa.

Welcome back BP’s!

Eaze, we love you— notice us please!

Kian?! You’re so handsome!

Zhe’kin! Look here please!

Halos pinagkumpulan ang gawi namin ng mga tagahanga namin na halos walang tigil din sa kasisigaw sa mga pangalan namin. Nahirapan kaming makausad sa daan dahil sa biglang dagsa nila.

Yung mga bodyguard namin, nahihirapan na rin.

“Eaze?” bahagyang tawag sa’kin ni Kian habang unti-unti pa rin naming binabaybay ang aming daan tungo sa labas.

“Uhm?”

“Look at there. Kamukha ni Aya ‘yung babae ‘don oh— ‘yung ex mo,” turo niya kung saan, kaya naman agaran kong binaybay ng tingin ‘yung tinuturo niya.

Pero halos hindi ko rin matukoy kung saan, dahil sa gulo ng mga taong pumapalibot sa amin.

They don’t even know about our contract till now. Akala nila nag-break kami dahil nawalan ako ng oras kay Aya. But the thing is, I’ve no choice. Hindi ’yun kasama sa plano pero biglang napa-bilang.

Muling napabaling ang tingin ko kay Kian na may bahid na ng inis dahil sa pang-aasar niya.

“Hindi mo makalimutan?” Kian asked me, pero hindi ko na lamang siya tinugon.

The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon