𝐂𝗁𝖺𝗉𝗍𝖾𝗋 67

1.2K 135 8
                                        

Aya’s pov.

“Bakit kasama mo siya?!” pasigaw na saad sa’kin ni Ferrie, na tila ba may tono ng galit mula sa kanyang boses.

“Kumalma ka, Ferrie. She’s here to help us.”

“She’s here to kill us!”

I don’t even know what’s with her kung bakit siya umaakto ng ganyan ngayon kay Zhenan— she will help us.

“Ano ba, Ferrie, enough with that shit words of yours. Wala kang patunay kaya huwag kang umakto ng ganyan.”

“Tanga ka ba? Hindi mo ba talaga madama na yang Zhenan na pinagkakatiwalaan mo ang may pakana ng lahat!”

Marahan akong napabaling ng tingin sa gawi ni Zhenan. Hindi siya umiimik, tila ba wala talaga syang planong ipagtanggol ang sarili niya— sa halip, binigyang tugon niya kami ng pagtawa, hagalpakan, sa harapan namin.

“That’s funny, nagsasabi ka ng katotohanan ngunit hindi niya magawang paniwalaan—” wika nito kay Ferrie bago bumaling sa’kin ng tingin. “—Why? Because she’s the pretender too.” Makahulugan nitong turan bago muling pasadahan ng tingin si Ferrie.

Taimtim naman itong bumaling sa’kin ng muling tingin pagkatapos noon, bago nagbigay ng tila pilyong ngiti sa labi.

“Bho!” pabigla nitong gulat sa’kin— halos hindi pa gumana yung sistema ko, sa mga natuklasan, ng biglang mawalan ng balanse dahil sa ginawa niya.

P-Pa… paano?

“You’re so innocent, I can easily stab you if I want kanina pero hindi pwede— dapat makita ng isa sa inyo kung paano ko ‘yun gawin. It’s more fun to watch.”

Napaatras ako ng bahagya sa gawi ni Ferrie bago siya bahagyang lingunin. Till now, hindi pa rin ako makapaniwala— halos hindi na rin mag-function ng ayos yung utak ko sa mga nangyayari ngayon. Hindi ko lubos maisip kung bakit.

Bakit niya ito ginagawa sa’min?

“How—” I cut my own words when Ferrie suddenly interrupted me.

“She’s been fooling you,” saad nito, bago tila napakapit ng marahan sa’king braso.

Iniinda niya ngayon yung sakit na nararamdaman niya sa kanyang binti. Nang matuunan ko ‘yun ng pansin, labis na ang pagdurugo ng sugat niya.

Kung mananatili pa rin kami dito, tiyak mas lalo syang mapapahamak— ngunit wala akong magawa.

“That must hurt,” pagtukoy ni Zhenan sa sugat ni Ferrie, pero hindi pag-aalala yung binibigay nyang expression sa’min ngayon kundi tuwa.

“Anyway, before we proceed, should I tell you my story? Or let’s get into the exciting part— wait, you haven’t yet claimed your award for being winner lately at Play House.” Wika nito bago napabaling ng tingin sa kanyang gilid, may kinuha ito sa likuran niya— isang patalim.

Paano niya ito nagagawa ngayon sa’min? Wala kaming kasalanan, mga inosente kami’t walang alam.

Ano bang kasalanan namin sa kanya?

“S-Sabihin mo… bakit? Bakit, Zhenan?!” Napataas na ang tono ng aking boses nang itanong ko ‘yun sa kanya— hindi ko na talaga malaman pa kung paano niya ito nagawa sa’kin na kaibigan niya.

“Reason? Uhm. It’s not that big deal— anyway, I just hate you,” tugon nito sa’kin habang seryosong pinaglalaruan ang kanyang patalim.

Natigil lang ito nang tila seryoso’t matalim na syang tumitig sa’kin. “I hate you—” saad niya bago bumaling ng bahagyang tingin kay Ferrie, “—and I hate her. Wala naman akong ibang ginusto kundi ang makamit ang sarili kong pangarap, which is him, pero bakit nakikisawsaw kayo?” Ng gigigil nitong wika sa’min habang nagpatuloy sa paglalaro ng kanyang patalim, wari mo’y nababaliw na rin.

The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon