𝐂𝗁𝖺𝗉𝗍𝖾𝗋 59

1.4K 153 11
                                        

Aya's pov.

Bakit ang dali lang sabihin na ayaw mo na, sayo na sya kasi di ko na kailangan pa, layuan mo na ko kasi di tayo para sa isa't isa, Pero pagkaharap muna o nakikita yung taong binibigay muna sa iba ang sakit parin pala.

"What's with that sad atmosphere of yours?"

"I just realized something.."

"Realize what?"

"Na ayoko na palang mag boyfriend or magkaroon man lang" wika ko habang nakahalumbaba saking mesa, bigla naman akung dinukwang ni Maya upang makita kung seryoso ba ko o nagbibiro lamang don sa binitawan kung salita.

"Seryoso? Kung kailan meron ka ng mga manliligaw jan mismo sa labas ng bintana kung saan pangarap mong pwesto, kung saan ka nila liligawan tapos ngayon sasabihin mo yan?!" Napaangat ako ng tingin kay Maya bago wala sa wisyong inabot yung tissue sa gilid nya lamang.

Binato ko yun sa kanya ngunit nakailag naman sya kaya napa busangot nalang talaga ako ng husto.

"Naku Aya, anong page ka na sa drama? At anong drama ng buhay yan? Wag mong sabihing mag mamadre ka? Tomboy ka ba?!" Tila napalakas na ang boses ni Maya ng itanong nya yun sakin– may bahid rin ng gulat at inis mula sa tono ng kanyang pananalita kaya naman napa face palm nalang ako sa kanya bilang tugon.

"Alam mo Maya, seryoso akung nagdra-drama dito wag kang feeling clown dyan para gumawa ng comedy series mo" saad ko kaya naman bahagya nyang hinaplos ang aking likod upang i-comfort ako.

"Spell it out, makikinig ako"

"I just can't believe myself–" pangunguna ko sa kwento bago bahagyang humarap sa kanya at umakma ng tila yakap, niyakap naman ako ni Maya pabalik bago patuloy paring hinahaplos ang aking likod ng marahan upang pakalmahin ako saking paghikbi. "–sinasaktan nya lang naman ako, pero bakit patuloy ko paring hindi mapigilan ang aking sarili na mahalin sya?"

"Are you talking about.." napahiwalay ng yakap sakin si Maya bago tila seryoso akung tinitigan mula saking mga mata– hindi ko na rin naman maitatanggi pa sa kanya kaya tumango na lamang ako.

"I'm talking about him" pagkomperma ko sa taong iniisip nya ngayon.

"Aya.."

"Hinayaan ko na naman ang sarili kung masaktang muli" wika ko bago kumuha ng tissue at pinahidang muli ang gilid ng aking mga mata ng maramdaman ang muling pagtutubig nito– hudyat ng aking mga luha.

Halos hindi ako nakatulog buong gabi kakaisip kung talaga bang nakamove-on ako sa kanya o charot lang.

Funny. I got the answer– para akung napilitang kumain ng tinapay noon na hindi ko gusto, disedido na kung iluwa ang kaso tinanggap na ng sistema ko, yung tinapay na niluwa ko, kinain ko ulit.

I'm talking about Eaze, and about us.

Noong una hindi ko sya halos matanggap, ayaw ng utak ko pero gusto ng puso ko– hindi ko maamin sa sarili ko na hanggang ngayon sya parin.

Masyado na kung nasaktan, pero bakit sya parin?

Pinagtulakan ko na sya, pero tuwing nakikita ko namang may kasama syang iba yung sakit? Sakin parin yung balik.

I hate and love him at the same time– naiinis ako tuwing hinahabol-habol nya ko, kinukulit pero kapag wala naman syang ginagawa? Naiinis parin ako.
 
I hate him but I hate myself as well, kasi kahit anong pilit ko sa sarili ko na layuan sya, suplain sya, itulak sya sa iba? Hindi ko parin talaga madeny sa sarili ko yung sakit dahil mahal ko parin sya.

Tinulak ko na sya palayo– dapat hindi ko na sya hilahin pang pabalik.

"Aya wag mong sisihin ang iyong sarili, hindi mo yan kasalanan– walang mali sa pagmamahal" wika sakin ni Maya.

The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon