𝐂𝗁𝖺𝗉𝗍𝖾𝗋 26

2.1K 197 69
                                        

Aya’s pov.

“Aya!”

“Ano?!” Pabalik kong sigaw kay Ferrie na tila papalapit na sa akin. Wala sa wisyo kong biglang naramdaman ang kamay nyang humawak sa akin.

Hinihigit niya pala ako tungo sa isa sa mga bench dito, sabay baba ng kanyang sunglasses bago taimtim akong tinitigan mula ulo hanggang paa.

Here comes her judgmental look.

“Wala ka talagang kataste-taste.”

As I expected, napuri na naman ako ng kanyang pambihirang panlalait.

“Ano na naman ba’ng problema mo?”

“We’re having a pool party tapos nakaganyan ka?”

Like seriously, ang laki talaga ng problema ng isang ’to pagdating sa akin.

“Wala ka talagang kataste-taste. Like, duh! You should wear swimsuit or kahit ano na pang-ligo.”

Napatingin ako ng seryosong tingin sa suot ko. Naka-oversize T-shirt ako, tapos match sa jogging pants ko pa.

But wait— may mali ba sa suot ko?

Ang pagkakaalam ko, walang code of attire pagdating sa pagliligo. As long as kung saan ka mas komportable, ’yun ang susuotin mo. At kahit short, jogging pants, T-shirt, o Jacket— pare-pareho lang namang tela na nababasa.

Kaya bakit ko pipilitin ang sarili kong sumuot ng mga ganong bagay? Ano ako, tanga? kapag naman pinilit ko ang sarili ko, ang ending, ako rin ang maiilang at hindi titigil punahin ang sarili ko.

Seryoso akong napatitig kay Ferrie, mula ulo hanggang paa.

Nakasuot siya ng swimwear niya, which is black na panty at bra— medyo tinatabunan lang ng manipis nyang damit, ngunit showy pa rin.

Mula sa itsura niya, hindi ko alam kung mamamangha ba ako dahil bigla na lang akong napanganga— ngangang sakto lang kumbaga.

Jusko, kinulang ata ang babaeng ito sa tela. Wala sa wisyo kong napalandas ang kamay ko mula sa kanyang kanang balikat bago siya marahang tinapik.

“Nawa’y patawarin ka ng Panginoon sa iyong kabalastugang ginagawa. Patawarin n’yo po siya, dahil hindi rin niya alam ang kanyang ginagawa.”

Tila napakunot-noo siya dahil sa biglang pagbabago ng expression ko.

“Bakit?”

“Siraulo ka ba?”

“Hindi, bakit?”

“What are you talking about?”

“Kailangan ko pa bang ulitin?”

“No need— nakakairita. What I mean is, anong ibig mong sabihin sa mga binitawan mong salita? Hibang ka ba?” Wika nito sa akin bago marahang tinabig ang kamay kong nakapatong sa balikat niya— kaya naman napaayos ako ng tayo.

“Hindi mo ba nakikita ang iyong sarili? Nakasuot ka ng damit na kinulang sa tela na kung tutuusin, parang hubad na.” Tugon ko sa kanya, na halos ikinairita na lang niya. Hindi mo na maitsurahan ang kanyang pagmumukha.

“It’s a swimwear style. Or should I say, a new style— pagdating sa’yo, since wala ka naman talagang alam sa social thing na nangyayari sa paligid mo. At anong gusto mong sabihin, na gayahin ko yang style mo? Maging mukhang manang sa harap ng maraming tao? Ha? Manang?”

Nasobrahan na ata ’to sa pagpuna sa akin. Grabe na kung makapag-insulto eh— puring-puri talaga sa panlalait.

“Anong manang ka d’yan?!”

The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon