Aya’s pov.
“Moome, are you ok?...” Baby Zeyan suddenly asked me, confused and worried herself, nang makita niya kung paano ako nag-shot sa imburnal.
Sa sobrang lalim ng iniisip ko lately, hindi ko man lang napansin yung butas ng kanal— na sing-lalim din ng mga iniisip ko.
“Ayos lang, baby,” agaran kong tugon sa kanya upang hindi na siya mag-alala ng husto sakin, bago gumawa ng paraan para tuluyan na ngang makalabas sa hanggang baywang na lalim ng kanal na ito.
Pinunasan ko agad ang sarili ko. Luckily, hindi hanggang baywang ang tubig sa kanal— hanggang tuhod lang ito. Pero yung baho? Akyat hanggang ilong ko.
“You smells like poop, Moome,” saad sakin ni Zeyan na ngayo’y nakatakip na sa kanyang ilong.
Wait— poop? As in tae? How come eh sa kanal ako nahulog, hindi naman sa toilet bowl. Kung tutuusin dapat amoy bulok na basura lang ako, with a touch of poop nga dahil di hamak na yung mga tae ng hayop dumadaloy rin dito.
My point is— she had her point correctly, but incorrect for me. Kasi poop lang yung sagot niya, kulang ng garbage. Dapat kumpletong sagot.
Anyway, let’s go back to my scenes.
“Let me help you, Moome, to clean yourself,” offer sakin ni Zeyan na agaran ko namang tinanggihan. Baka mahawaan siya ng amoy tae kung sarili.
“No, baby, don’t! I can handle this myself.”
“But Moome—”
“No buts,” saad ko sa kanya habang nakaturo ang hintuturo ko pataas, senyales ng warning para pigilan siya.
Nakatoon pa sa kanya ng husto yung titig ko nang bigla kong maramdaman na tila umangat ako mula sa aking kinatatayuan.
Nagbigay-kiliti pa yun sakin kaya naman napa-irit ako ng wala sa wisyo— at bumungad sakin si Eaze.
Binuhat niya ako ng pa-bride style.
“A-Ah… anong ginagawa mo dito?”
“Napadaan lang, why? I can’t be here?” Nakakunot-noong tanong nito sakin.
That’s not what I mean about my question— nagtataka lang ako kung paano siya napadaan lang sa isang local market, dahil obvious naman na ang mga katulad nila ay namamalengke lamang sa mall.
I suddenly tapped his shoulder bago ngumuso sa kanya. “Ibaba mo ko, baka may makakita sakin,” naiilang kong saad sa kanya.
Nakakahiya namang ma-featured kami sa social media ngayon, with caption na si Eaze— ang sikat at kung ano pang titulo niya— ay naabutang nakikipagharutan sa daan kasama ang isang babaeng hindi matukoy ang pagkakakilanlan ngunit amoy tae.
“Let them.”
“Ayoko— ibaba mo ’ko, ayokong mangamoy kanal ka rin.”
“Don’t worry about it, I don’t mind and I don’t care,” saad sakin ni Eaze bago sumilay sa kanyang labi ang ngiting busilak.
Bumaling naman siya ng tingin kay baby Zeyan. “Don’t go any further, baby. Stay near our side and follow us,” saad nito kay Zeyan bago muling bumaling sakin ng tingin.
“You— stay still. Wag kang malikot, ayokong mahulog ka,” turan nito sakin, na ikina-tango ko na lamang bago kumapit sa kanya ng mahigpit nang magsimula na syang maglakad.
Kinakabahan ako sa aming ginagawa— feeling ko para kaming kriminal. I mean… ako lang pala, kasi takot na takot akong makita ng iba na kasama siya sa ganitong itsura ko.
BINABASA MO ANG
The Pretender
Romance- Completed. She's Aya Fenchen, an addle-brained and old-fashioned woman. She lives a peaceful life, but not until she meets Eaze. The famous idol who set her on a contract for being his girl, a contract that she can't refuse for a lifetime for some...
