𝐂𝗁𝖺𝗉𝗍𝖾𝗋 24

2.1K 193 52
                                        

Aya’s pov.

Yung totoo, ano ba ako dito? Girlfriend ba? o katulong? Wala naman sa kontrata yung salitang katulong, hindi ba?

Kaya bakit pakiramdam ko nadagdagan pa ’yung sakit ng ulo ko?

Hindi dahil kay baby Zeyan, ah.
Kundi dahil sa isa— kung maka-utos, akala mo hinire niya ako para maging personal maid niya.

“I’m  thirsty. You buy us two mineral water.”

Napakunot-noo ako sa sinabi niya. Kung makautos, akala mo pera niya yung gagamitin— hindi, eh. Yung pera ko.

But anyway, kung kanina naisahan niya ako, pwes ngayon,  hindi na.

Agad kong inilahad sa kanya ang aking kamay. Syempre, matik na ’yon— nanghihingi ako ng pera niya.

Tibong-tibong niya ngayon si baby Zeyan, kaya napababa siya ng tingin sa kamay ko bago napataas ng isang kilay.

“What?”

“Pera mo. Nasaan?” agad kong tanong sa kanya.

Tila natigilan pa yung isa, at sa isang iglap ay napangisi rin— tila may kapilyuhang naiisip.

Ngumuso siya sa tagilirang bahagi ng kayang baba, kaya napadako ang tingin ko sa bulsa niya.

“Nasa bulsa mo?”

“Nasa kotse. Ngayon, kunin mo ’yung susi,” utos niya sa akin, sabay ngiti.

Is he teasing me?

Wala sa wisyong napatango ako sa kanya, at lumapit.

Pumwesto ako sa gilid niya para kapain sana yung susi— pero nang mapagtanto kong para na akong manyakis na kinakapkapan siya ng kung ano, napaayos ako ng tindig at napatikhim.

Sinulyapan ko siya, at sinalubong ako ng nagtatanong nyang tingin.

“Si baby Zeyan.”

“What about her?”

“Akin na muna si baby Zeyan. Ikaw na ang kumuha ng susi mo para mas madali.” Wika ko, sabay akmang kukunin at bubuhatin na sana si Zeyan, pero pinigilan niya rin ako.

“Why bothered? Kukunin mo lang yung susi.” Patay-malisya nyang sambit. Kung hindi ako nagkakamali, may kapilyuhan talaga ’tong iniisip.

“Gamitin mo na lang muna yung pera mo. May dala ka, ’di ba?” Pagkaklaro niya, kaya naman nanliliit ang mga mata kong tumitig sa kanya.

“Anong feeling mo? May patago ka sa akin?”

“I feel like you’ve been bothered with some sort of silly thoughts in your mind. Pinapakuha ko lang yung susi para makuha mo yung pera ko sa kotse. But since it looks like you can’t get it, we have no choice kundi pera mo ang gamitin.”

Kagat-labi akong napalihis ng tingin, bago nagsimulang maglakad palayo sa kanila.

I can’t stand him anymore.

Feeling ko kasi, tuwing ginagawa ko ’yon, hindi susi yung kinakapa ko— kundi yung... ehem. Jusko, patawarim niyo po ang aking mga kamay. Hindi nila alam ang kinakapa nila.

Since I had no choice, in the end, ako na rin ang bumili at kusang nagbayad— na puno pa ng hinanakit sa bulsa.

Pagbalik ko sa playground, naabutan ko pa yung dalawa na masayang naglalaro. Habang palapit ako, mas lalo kong naririnig ang masayang tawa ni baby Zeyan— dinuduyan siya ni  Eaze.

Sandali akong natigilan at pinagmasdan sila ng maigi. They reminded me of my moment with my sister back then.

Tanda ko pa, siya lagi yung taga-duyan ko noon. Tapos nung siya na ang iduduyan ko, bigla namang bumuhos ang malakas na ulan.

The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon