Aya’s pov.
Yung totoo, gaano karami ang bahay ng tukmol na ’to? 
After the sign-up thing namin lately, Ate Jaze decided na palipatin muna kami ng bahay para maging mas klaro sa iba yung kwentong aming ginawa.
Kung mananatili pa rin daw kasi kami sa main house ng BP’s, baka magbigay lang ng misunderstanding sa iba.
So here we go again. Welcome sa bagong pahina— kung saan bagong bahay, bagong patakaran, ngunit wala pa ring ibang pakikisamahan kundi yung taong ayaw makisama.
Yes, I’m talking about him.
But wait, ako lang ba? 
Bakit parang wala na akong nage-gets sa mga ngyayare? 
Masyado na bang magulo? 
O sadyang makitid lang ang utak ko kaya ’di ko maintindihan ito?
“Uhm, Eaze?” 
Tawag pansin ko kay Eaze na tila ba kanina pa nakatitig sa akin.
“What?” he asked, while still keeping his eyes on me.
 Mukha ba akong libro? Kung makatitig naman ito, akala mo binabasa ako.
“Saan pala dito yung kwarto ko?”
“Find it.” 
Simple nyang pagkakasabi, na ikinakunot-noo ko naman. 
“Sira ka ba? Malay ko ba kung saang sulok ng mansyon na ’to ang kwarto ko!”
Lagi nal ang ganito. Pahirap na lang lagi. 
Nagkibit-balikat siya sa sinabi ko’t agad na binuhat ang mga bagahe ko.
Napatigil tuloy ako’t tila wala sa wisyo’ng pinagmasdan siya.
Himala at tinulungan niya ako ngayon. Sa mga araw na nakasama ko si Eaze, minsan— everyday— never niya akong tinulungan.
As in everyday talaga.
Whenever I badly needed help and ask him?
Walang araw na hindi niya ako iniwan o ’di kaya’y susungitan.
Tulad ng nakagawian— wala nga talaga syang pakialam sa akin.
Pumasok kami sa isang pinto at bumungad sa akin ang sobrang maalikabok na kwarto— ata ng maligno— dahil sa kalinisan.
“Anong gagawin natin dito?”
“Don’t count me in.”
“Huh?”
“It has nothing to do with me. It’s yours.” Napakunot-noo ako dahil sa taka sa sinabi niya.
“This is your room. You need to deal with the cleaning thing on your own.”
“Seryoso—”
“You’d better start now. Make sure you’ll finish it before I get home.”
Seriously, ano pa nga bang pagbabago ang aasahan ko?
Himala na nga at tinulungan niya ko kanina. I thought magpapatuloy na— but I think naging hibang lang ako sa sandaling isipin ko ’yon. As if naman tutulungan niya ako.
“Seriously, anong linis ang gusto mong gawin ko para matapos ko agad ’yon sa panandaliang oras na binigay mo?”
“It’s up to you. Don’t ask me.”
“Seryoso ka?”
“Uhm.”
After he said that, he left me behind na tila ba bula— na bigla nalang nawala.
And me? 
Putakte! Nganga ako, teh. Mas malala pa ata ’to sa bahay ng aswang.
Kung tutuusin, mas malinis pa dito ang bahay ng mangyan.
                                      
                                  
                                              BINABASA MO ANG
The Pretender
Romance- Completed. She's Aya Fenchen, an addle-brained and old-fashioned woman. She lives a peaceful life, but not until she meets Eaze. The famous idol who set her on a contract for being his girl, a contract that she can't refuse for a lifetime for some...
