Aya’s pov.
Nasa baybaying dagat ako ngayon, gusto kong mapag-isa, mag-isip, at lumayo muna sa problemang halos walang katapusan na talaga.
Napabuntong-hininga ako bago pinagmasdan ang makulimlim na kalangitan. Simula kahapon, parang hangin na lang kami sa isa’t isa ni Maya.
Walang gustong mauna sa aming dalawa, kaya nag-desisyon syang pumunta muna sa probinsya— lumayo para sa panandaliang katahimikan sa pagitan, siguro naming dalawa.
Kahit si Papa nagtataka na dahil sa ilang gawi namin ni Maya na tila ilag sa isa’t isa. Sinubukan ni Papa na magtanong, ngunit halos wala din syang nakuhang matinong sagot sa amin, dahil na rin sa kadahilanang hiya.
Kagat-labing ibinaba ko ang aking tingin mula sa gilid bago dumampot ng ilang mga bato at agaran itong ibinato sa kalmadong dagat.
Napangiti ako ng wala sa wisyo nang lumikha ng kawili-wiling tunog ang pagtama ng bato sa tubig, parang isang kalmadong musika sa tainga.
Muli kong inulit ang ganoong gawi, at this time, napahagikgik na ako ng tawa dahil sa tila tyambang pagbato ng isang bato kung saan naglikha ito ng maraming pattern sa tubig.
“See that, Maya? Ang galing, noh? Gawin mo rin,” naka-ngiting saad ko bago pumukaw ng tingin sa gilid ko— kung saan sinalubong lang ako ng malamig na simoy ng hangin.
Dahilan rin iyon ng paglaho ng ngiting nakaukit sa labi ko nang mapagtanto kong...
She’s not here, and she will never be here.
Maya’s pov.
“Puto’t suman! Bili na kayo, oh bili na!” sigaw ko habang kasamang naglalako ng panindang kakanin si Tita O’neya— pinsan ni Mama, at siya ring tumayong ina sa amin noon.
“Naku hija, tara na muna’t uuwi tayo, mananghalian na,” saad sa akin ni Tita, kaya bumaling ako sa kanya at napatango na lamang.
Nasa probinsya ako ngayon. Nagdesisyon akong umalis muna at dito manatili kay Tita because honestly, I can’t face Aya. I feel guilt, at nahihiya talaga ako sa kanya.
Tuwing nakikita ko siya, halos hindi ako mapakali. Gusto kong humingi sa kanya ng tawad sa lahat ng mga ginawa ko, ang kaso, nauunahan naman ako ng takot— baka baliwalain niya lamang ito.
Noong makarating kami sa bahay ni Tita O’neya, agaran akong naghanda ng makakain naming dalawa, kung saan inihanda ko na nga sa mesa ang ilang ulam tulad ng pais at tinapa. Nang matapos ako, tinawag ko na rin si Tita para makapagsimula na kaming kumain.
Pero bago iyon, nagdasal muna kaming dalawa at saka agaran nang nilantakan ang mga pagkaing kay sarap na probinsyang ulam.
Sa kalagitnaan ng pagkain, sandali akong natigilan nang may itanong siya sa akin.
“Si Aya, bakit hindi mo kasama?”
Natigilan ako sa pagsubo bago pumukaw ng tingin kay Tita. Tila nag-aalanganin pa akong sumagot, pero sa huli, sinagot ko rin naman.
“Uhm… she’s busy, Tita.”
“Ah, gano’n ba?”
“Opo.”
“Naitanong ko sa’yo kasi nakakapagtaka. Kadalasan kasi tuwing bibisita kayo sa akin, lagi kayong magkasama. Walang oras na hindi kayo sabay sa pagbisita— halos hindi nga kayo mapaghiwalay noon.” Saad niya bago muling naglagay ng kanin sa kanyang plato.
And then, sudden, I felt guilt.
Para akong unti-unting nawalan ng gana sa pagkain, kaya tuluyan ko na lang ibinaba ang hawak kong kutsara sa gilid ng plato at natulala na lamang.
BINABASA MO ANG
The Pretender
Romance- Completed. She's Aya Fenchen, an addle-brained and old-fashioned woman. She lives a peaceful life, but not until she meets Eaze. The famous idol who set her on a contract for being his girl, a contract that she can't refuse for a lifetime for some...
