Aya’s pov.
I need to focus and find answers to those questions of mine. Isa-isa kong tinitigan lahat ng larawan na may ugnay sakin na ngayo’y nakadikit sa dingding ko.
Lahat sila, suspect.
I need to analyze every detail about them— yung mga dahilan nila sakin noon.
Nagsimula ito dahil sa sakit na hindi ko alam, pero alam nila. Nag-focus ako sa rason ni Eaze kung saan nakidawit din ang lahat.
Pero hindi ko na maisasama pa ngayon si Eaze bilang suspect ko, since yung rason niya sa pagpapanggap noon ay para protektahan ako’t si Ferrie.
Si Ferrie naman, hindi siya nagpanggap sakin. Ipinakita niya harap-harapan yung masama nyang ugali. Ang rason naman ay dahil din sa pagmamahal niya kay Eaze. And then Zhenan, kung saan nagpanggap syang mabait para makalapit lang sakin. Yung rason niya para gawin yun ay sirain ako’t si Ferrie para maangkin niya nang lubos si Eaze.
Napadako naman ang aking tingin sa larawan ni Ate Jaze. Katulad ng iba, nagpanggap din ba siya sakin? Kung tutuusin, ginawa niya lang naman yung trabaho niya— yun ay isulat ang kwento ng nakaraan namin ni Eaze upang aking aktuhan.
Yung sunod na larawang bumungad sakin ay si Zhe’kin. Hindi ko lubos maunawaan ang kanyang dahilan. Nanatili paring misteryo ang lahat sa kanya.
Nagawa niya ngang magbigay ng rason pero kinukutuban ako sa hindi malamang dahilan. Iniisip ko rin na baka nababagabag lamang ako dahil patuloy parin syang sumusubok sa nararamdaman niya para sakin.
Ang ikaanim na larawan naman ay si Tris, pero mukhang malabo rin dahil wala na syang dahilan pa para magpanggap, tama? Dahil kung tutuusin, ang anak niya lamang ang hangad niya. Ngunit kahit ganon, mahirap paring makampante.
Napahilot ako sa sintido ng maramdaman ko ang panandaliang kirot doon— kaiisip ng sagot sa mga katanungan ko. Miske ang utak ko’y tumitibok na rin.
Pagkatapos kong mapabuntong-hininga, tuluyan na ngang napadako ang aking tingin sa huling larawang nakadikit sa aking dingding. At ngayo’y bumungad naman sakin si Kian— wait. Kian? Nevermind.
Since lahat sila ay hindi ko mahanapan ng butas sa mga rason nila, pati tuloy ako nagtataka na rin sa sarili ko— tama bang questionin ko lahat ng kanilang presensya? Dahil lang sa batayan na sinabi ni Zhenan?
Sa sobrang takot kong matuklasan ang katotohanan, unti-unti na ring lumalayo ang loob ko sa kanila.
Hindi ko na alam pa ang dapat gawin. Sino ba dapat ang aking pagkatiwalaan at sino ba ang dapat questionin?
Masyado pang maraming katanungan ang patuloy na tumatakbo sa aking isipan, ngunit miske isa, walang nabigyang kasagutan.
Meron pa ba akong nakaligtaan?
Jaze’s pov.
“Morning event: 8:30 AM, your scheduled collaboration with Rio’spades (it’s PH Idols). Exact 10 AM, visitation for your fan club. And for the afternoon event: 3:30 PM, meeting with Mr. A. Lee, a new business investor. After that, free schedule ka na sana, but someone suddenly asked na makisingit to have some talk with you related about collab again together with BP’s. I already accepted the invitation, pero ang usapan tungkol sa collaboration, I will consider it to you,” saad ko kay Eaze bago agarang sinara ang hawak kong file report ng schedule niya at nila ngayong araw.
Noong napa-angat ang aking tingin sa gawi ng tatlong pugong nakaupo sa harapan ko, halos madismaya ako nang bumungad sakin yung kanya-kanya nilang itsura.
Para silang mga mukhang sabog na halata namang hindi nakikinig sakin.
“Zhe?” pagtawag pansin ko sa unang taong nakaupo malapit sakin, which is Zhe’kin.
BINABASA MO ANG
The Pretender
Romance- Completed. She's Aya Fenchen, an addle-brained and old-fashioned woman. She lives a peaceful life, but not until she meets Eaze. The famous idol who set her on a contract for being his girl, a contract that she can't refuse for a lifetime for some...
