Aya's pov.
“What's with that look of yours?” takang bungad sa akin ni Kian nang tila magkasalubong kami ngayon sa daan.
Pinanatili ko lang ang sarili kong tahimik at wala pa ring tugon habang tinititigan siya ng taimtim.
Napakunot-noo naman nang husto sa akin si Kian, wari’y kinukwestyon ang tugon ng mga titig ko sa kanya. He suddenly stepped back from me, tila may napagtanto sa kanyang sarili na hindi ko mawari.
To be honest, gusto ko lang syang pagtripan— walang ibig sabihin yung pagtitig ko sa kanya.
“Wait, that look— pinagbibintangan mo ba ako? Wala akong ginawa, totoo ako sa’yo at walang halong pagpapanggap, kaya stop staring at me like that, little Aya,” kabado nitong saad sa akin bago walang pasintabing agarang pinitik ang aking noo, kaya natinag tuloy ako.
“Umamin ka na kasi,” tugon ko naman sa kanya nang makabawi ako.
Ang likot ng utak niya, kung anu-ano agad ang iniisip— tinitigan ko lang, nagbigay na agad siya ng isipin na pinagbibintangan ko siya.
Since wala rin naman talaga akong magawa, sasakyan ko na lamang ang kanyang isipin para mag-overthink siya, tapos good time na lang rin sa akin.
“Hindi ka ba talaga aamin?”
Umukit sa mukha ni Kian ang tila magulong expression dahil sa sinabi ko— nag-o-overthink na ata siya kakaisip kung ano bang kasalanan ang nagawa niya sa akin, tapos wala rin naman.
Siguro babatukan ako nito bigla sa susunod kapag nalaman nyang nag-go-good time lang ako.
“Puta, ano ngang aaminin? Wala naman akong kasalanan, mabuti ang budhi ko. Tingnan mo pa itlog ko.”
Halos sumabog ako sa sarili kong emosyon ng pagtawa nang bigla nyang sinabi yun, pero pinigilan ko na lang rin— at mas lalo ko syang binigyan ng hustong tingin, tila may dinidiin akong bagay na gustong malaman.
“You sure? Hindi ka talaga aamin?...”
“Aamin saan nga?”
“Na...”
“Na?”
“Na bakla ka,” agaran kong tugon bago humagalpak na lang rin ng tawa, kasi yung expression ni Kian, na tila curious na curious sa bagay na sasabihin ko, ay bigla na lang ring natunaw dahil sa sinabi ko.
Napalitan ng palm face yung kabado nyang itsura kanina bago ako taimtim na tinitigan ngayon.
“Seriously, Aya? Parang gago. I don't even know what's with my brothers para gustuhin at pag-agawan ang isang tulad mo— kung tutuusin, hindi naman pwedeng sabihin na baliktad na ang mundo ngayon, kaya pati tino papatol sa tulad mong abno,” he said, na tila nakapagpatigil ng kaligayahan ko.
Seriously? Ilang araw na akong down, tapos ngayong araw kung kailan naisip kong maging light mood muna at maki-trip, babasagin niya naman. And wait— anong sabi niya, abno?
Ano yun, another term ng loka-loka, bobo, o baliw? Siraulo ba siya? Dahil sa biglang inis na nadama ko sa sinabi niya, hahambalusin ko na sana siya dala ng pagkapikon, nang bigla rin akong natigilan nang salagin niya iyon at bigyan ako ng seryosong titig mula sa aking mga mata.
“But still, I know why. You're the purest person we've met. Totoo ka sa iyong sarili, miski sa amin— hindi ko alam kung paano pero nagagawa mong pasayahin lahat ng taong nasa paligid mo using that idiot presence of yours. Don't be offended. I'm so glad na dumating ka sa buhay namin. Don't change yourself— be who you are till the end, idiot.”
Halos matigilan ako dahil sa mga sinabi ni Kian. I just can't believe what he said now— si Kian, the mang-aasar person na ‘yan eh. Nakakagulat lang na bigla na lang syang magsasabi ng mga ganyang salita, aside sa pang-aasar niya.
BINABASA MO ANG
The Pretender
Romance- Completed. She's Aya Fenchen, an addle-brained and old-fashioned woman. She lives a peaceful life, but not until she meets Eaze. The famous idol who set her on a contract for being his girl, a contract that she can't refuse for a lifetime for some...
