- Completed.
She's Aya Fenchen, an addle-brained and old-fashioned woman. She lives a peaceful life, but not until she meets Eaze. The famous idol who set her on a contract for being his girl, a contract that she can't refuse for a lifetime for some...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
: Is that Aya Fenchen?
: It’s Ms. Fenchen— tirador ng mga kilalang tao.
: Mahilig syang sumundot ng mga lalaking mayaman. Good choice para sa gaya nyang dukha.
: Enough na sa mga comments na hindi maganda, guys. You should respect them.
: I saw them lately, ang sweet po nilang tingnan.
: My friend is working at SM (Star Media). Narinig niya po sa usapin doon na parang si Mr. Vegou ay nanliligaw kay Ms. Fenchen.
: I don’t want to ship this couple kapag nagkataon. Mas gusto ko pa rin ang EazYa— sana magkabalikan na sila.
___
“Anong plano mo?” Agaran kong tanong kay Eaze nang lingunin ko siya at bumungad sa akin ang presensya niya na tila malalim ang iniisip.
Kasunod noon ang pagbaba ko ng hawak kong tablet, kung saan ipinakita ko sa kanya yung trending post ngayon sa social media.
“To get her back,” seryosong tugon naman ni Eaze bago agarang kinuha ang tablet na nakapatong lang sa harapang mesa nila— magbabasa pa siguro siya ng mga komento para mas lalo lang inisin ang sarili niya.
“Nice plan. Tingin mo makukuha mo siya pabalik kung nakaupo ka lang dyan?” Kian suddenly asked him, and that hit Eaze’s ego.
May punto si Kian. Kung patuloy nyang hahayaan ang mga bagay, mukhang mauunahan pa siya ng iba— na kumikilos agad.
“And also, tingin mo mahuhulog ulit sa’yo si Aya? Hindi ka pa nga tapos kay Ferrie.” Gatong ko naman.
To be honest, sandali ko pa lang nakikilala si Aya pero gusto ko na agad siya para kay Eaze— Aya is different. She’s a simple girl with a pure, innocent heart.
She’s not selfish but selfless— mas inuuna niya yung iba kaysa sa sarili niya. Kung tutuusin, yun yung mga desisyong sasabihing ‘tanga ka’ ng iba.
Pero kahit ganon, napahanga pa rin niya ako, dahil may ilang desisyon talaga siya sa buhay na kahanga-hanga kung tutuusin. Katulad ng pagpasok niya sa mundo namin— isang ordinaryong tao na naghatid ng extraordinary lessons na natutunan din namin.
Napag-iiwanan siya, pero hindi niya hinayaang manatili lang kung nasaan siya— nakisabay siya sa amin with her positive beliefs and vibes. At yun ang tunay kong hinangaan kay Aya.
“Wala na kami.” Rinig kong saad ni Eaze, na halos ikatigil ko ng bahagya at binalingan siya ng hustong tingin— tila mapapatalon na lang ako sa tuwa.
Habang si Kian, hindi maipinta ang mukha dahil sa narinig— mukhang hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Eaze sa amin.
“Should we celebrate it?—” Kian cut his own words, na wari mo’y nagulat pa siya sa kanyang biglang naitanong.