𝐂𝗁𝖺𝗉𝗍𝖾𝗋 73

1.3K 129 10
                                        

This isn’t the end.

haven’t yet started— hindi nila deserve yung happiness na hindi ko rin nakamtan.

If they think na tapos na ang lahat, hayaan nyong gulatin ko sila sa panibagong laro at kasinungalingan.

It’s time to start another game between us.

Aya’s pov.

“Are you serious, naghalikan kayo without level and relation status confirmation?” Nakaukit ang tila gulat at halos hindi makapaniwalang expression sa mukha ngayon ni Maya, as I expected.

Kahit sino naman siguro, yun ang magiging reaction knowing na nakipaghalikan ako sa taong hindi ko naman karelasyon— ang iisipin ng iba, napakalandi. Issue yun dito, hindi tulad sa ibang bansa na ang mga ganitong kagarapalan ay normal lang talaga.

“As he said, he won’t take advantage of my feelings toward him— gusto niya pa rin daw itong daanin sa steps, kung saan ang unang bahagi ay ligawan ako.” Naiilang kong wika kay Maya, na tila ba kinakapos ako sa sariling hininga— ganito siguro yung feeling ng kinikilig, na halos hindi ko naranasan nang maayos sa talang buhay ko.

“Gaga?...” asal ni Maya na tila naiinis sa itsura kong nagpapabebe ngayon. “Umayos ka nga, Aya, para kang loka-loka.”

“Eh Meye nemen kese—” pang-aasar ko sa kanya habang ginagawa yung tila moves ng mga babaeng nagpapa-baby sa kanilang mga bebe.

I’m facing her with that pleasing look of mine na akala ko tatalab sa kanya, mali lang pala talaga yung hinala ko.

“Isa.”

“Ito naman, kinikilig lang kasi ako,” pabiro kong saad sa kanya bago siya marahan na tinapik sa kamay.

Bumaling lang siya ng tila bored na tingin doon bago muling bumaling sa akin ng husto.

“Pwede ka namang ngumiti lang d’yan ng tila kay busilak, naglalahad na rin yun ng kung anong nararamdaman mo. Wag kang pabebe, hindi bagay sa’yo. Sorry for being this way, I just can’t help to see myself at you—” wika niya bago tila inaktuhan ang sarili na nanlalamig, dahil sa gawi nitong panginig-nginig, with matching pag-aliw ng dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ng braso niya.

“Ay grabe siya.”

“Anyway, anong plano mo?” bigla nyang saad nang tumigil na siya, kaya miske ako ay bigla ring napahinto at napa-isip nalang rin.

Wait— required ba yung may plano dapat?

Masyado pa kasi akong nalulunod sa sarili kong nararamdaman ngayon, kaya halos hindi rin sumagi sa isip ko yung plano kung saan, kapag niligawan na ako ni Eaze, anong gagawin ko?

There’s a lot of choices actually na pwede kong planuhin at gawing plano— pero wala akong ideya kung anong klaseng plano.

Plano ba para sa paggawa ng bahay o para sa makakasama habang buhay?

Wala sa wisyo, bigla akong natawa ng dahil sa joke ng aking isipan— pinagkataka naman yun ni Maya.

“Buang...” saad nito na tila nagtataka pa rin ng dahil sa bigla kong iginawi sa kanya.

Napairap nalang siya sa akin bago tatawa-tawa sa sariling iniwan nalang rin ako at tumuon ang aking pansin sa cellphone na bigla ring tumunog.

Hindi na siguro natagalan pa ni Maya yung presensya kong lutang ngayon— miske ako, hindi na rin makatagal. Grabeng epekto ng galak na damdaming ito… inlove na inlove na nga ako.

Aya, can we meet? I need you.’ - Zhe.

“Wait— Zhe?”

Nagtataka man, ngunit nag-reply nalang rin ako pabalik. Tinanong ko din siya kung may problema ba, pero after nyang isend sa akin yung location, hindi na siya nag-reply pa.

The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon