𝐂𝗁𝖺𝗉𝗍𝖾𝗋 37

1.7K 174 25
                                        

Aya’s pov.

I don’t think naiintindihan ko na ang takbo ng pag-iisip ng lalaking ito— ano na naman bang pakulo ang naiisip niya? I told him na gusto ko nang umuwi, pero hindi siya pumayag. Sa halip, nagtungo pa kami dito sa isang House of Mirrors. Hindi ko siya niyaya, nagdesisyon siya ng kusa.

“Trust me,” wika niya na sa tingin ko ay halos hindi ko na rin magawang paniwalaan pa.

Bakit? Dahil siya rin naman yung dahilan kung bakit mas napapahamak pa ko— lalo na kanina sa ferris wheel.

“Uwi na lang tayo, yang ‘trust me’ mo delikado— nagkaka-trust issue na ’ko,” wika ko bago agad na hinigit ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya.

Balak ko sanang tanggalin na lang yung tali bago iwan siya.

Ang kaso, pinangunahan niya akong tanggalin ’yon kaya napakunot-noo na lang ako sa ginawa niya.

“Anong ginagawa mo?” taka kong tanong sa kanya habang nakatuon pa rin ang titig sa kamay nyang tinatanggal ang taling nakatali sa aming dalawa.

“Binalak mo ring tanggalin, ’di ba? Pinangunahan ko nga lang. Anyway, let’s direct to your point— do you really want to go home?” seryoso nyang tanong sa akin na ikinatango ko naman.

“Then find your way,” wika niya, kasunod noon ang tila pitik niya sa aking noo. Sa sobrang sakit noon, napakurap pa ’ko’t napahawak doon.

Agad ko syang binalingan ng isang masamang tingin nang tila mawala na ang sakit sa aking noo dahil sa pagpitik ng hinayupak na ’to.

“Sira ka ba? You know I can’t— hindi ko kaya kung ako lang mag-isa, lalo na ngayon na nasa loob pa rin tayo ng amusement park.”

“Don’t lock yourself. Go find your way out— in this matter, you cannot rely on me, because I won’t help you.”

“As if hindi mo gagawin yung daan palabas. All I need to do is sundan ka— pinapasok mo ’ko dito kaya dapat lang na ilabas mo ’ko.”

“You’re right, but the problem is I’m not by your side anymore.”

Napakunot-noo ako dahil sa sinabi niya— wala daw siya sa tabi ko? Hibang ba siya? Nakatayo siya sa harap ko!

“Naka-droga ka ba? Anong tingin mo sa sarili mo, multo?” Naiiritang wika ko sa kanya— kung anu-ano na lang kasi ang sinasabi.

Nabubulok na ata yung utak niya kaya hindi na makapag-isip pa ng tama.

“I’m not. Why don’t you just ask that girl standing behind you?” he said, bago sumilay ang tila pilyong ngiti sa kanyang labi.

Wait— is he talking about ghost?

Sa sobrang takot ko dahil sa kanyang sinabi, agad akong tumakbo tungo sa kanya, ngunit tila hindi ko ata inasahan yung nangyari— dahil bumangga ako sa isang salamin na may figure niya lamang.

He was right. Wala na nga siya sa tabi ko.

I heard his chuckle about what happened.

“Now, you do believe me. I want you to find your way out. You can’t rely on someone forever,” huli nyang wika sa akin, bago ko unti-unting nakita ang tila dumami nyang repleka’t tuluyan na ngang nawala.

Wala sa wisyong napabaling ako ng tingin sa aking paligid— wala akong nakita o nasilayang iba bukod sa sarili ko lamang.

Nagsimula na akong makaramdam ng takot, lalo na nang aking mapagtanto na bukod sa akin, ay wala nang iba pang naririto.

“E-Eaze? A-asan ka?” Halos mautal-utal kong wika habang napapabaling-baling ng tingin kung saan-saan para hanapin lang siya.

Sa bawat hakbang ko’t paghanap ng daan, tila mga salaming pader lamang ang bumubungad sa akin. Walang oras na hindi ako natumba o nauntog dahil doon.

The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon